Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Antipolo E-Palengke sisimulan na ang dry run

By Kier Gideon Paolo M. Gapaya April 29, 2020 Larawan mula sa Antipolo E-Palengke Facebook Page LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal — In...

By Kier Gideon Paolo M. Gapaya
April 29, 2020




Larawan mula sa Antipolo E-Palengke Facebook Page




LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal — Inanunsyo ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares sa kanyang Facebook page na isasagawa na ngayong lingo ang dry run ng Antipolo E-Palengke.

Ang Antipolo E-Palengke ay pinangungunahan ng Samahan ng mga Manininda sa City Mall of Antipolo upang maiwasang lumabas ng bahay ng mga mamamayan at mas maipatupad ang social distancing.

Maaring puntahan ang Antipolo e-Palengke Page: https://www.facebook.com/Antipolo-e-Palengke-108530234126466 para mag-order mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ng Linggo hanggang Biyernes na may minimum order na P 200.00.

Paalala lamang ni Mayor Ynares na walang same day delivery at ang pag-deliver ng order ay ay sa susunod na araw mula 8:00am-5:00pm o sa petsa na gusto ng mamimili.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang mga order na lampas sa 12 noon ay sa makalawa na maipapadala.

Walang delivery charge ang naturang serbisyo dahil ito ay sasagutin ng pamahalaang lungsod pero cash lamang ang tinatanggap na kabayaran para rito.

“Huwag naman po sana may magprank order – bukod sa ito ay hindi nakakatulong, naperwisyo (mo) pa ang tindera at pinagod ang driver,” dagdag ni Mayor Ynares.

Bukod sa Antipolo E-Palengke, patuloy rin ang paglilibot ng Antipolo Mobile Market na siyang pinapangunahan rin ng pamahalaang panglungsod at CMA vendors. (PIA Rizal with reports from Jun-Andeng Ynares Facebook Page)


Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon