By Kier Gideon Paolo M. Gapayao April 29, 2020 (Larawan mula sa Municipality of Tanay Official Page) LUNGSOD NG ANTIPOLO, RIZAL - Iniul...
April 29, 2020

LUNGSOD NG ANTIPOLO, RIZAL - Iniulat ng Pamahalaang Tanay na ang nag-iisang COVID-19 patient ay gumaling na dahilan ng pagiging COVID-free ng munisipyo.
Inilathala ng pamahalaang bayan na nagnegatibo ang pasyenteng kinilala bilang si TANAY PH-1, 24-anyos na babaeng taga-Brgy. Sampaloc, matapos ang tatlong test sa loob ng mga nakaraang linggo.
Unang naitalang nagpositibo ang pasyente noong Abril 4. Wala siyang history of travel o exposure.
Sa ngayon ay nananatili si TANAY PH-1, na isa ring dialysis patient, na nagpapalakas sa isang ospital sa labas ng Tanay.
Ayon rin sa Tanay LGU, Naunang nag-negatibo ang pamilya ng pasyente matapos sumailalim sa swab tests na kaakibat ng contact tracing protocols upang makasigurong walang ibang nahawahan.
Sa kabila nito ay patuloy na nagpapasalamat ang pamahalaang bayan sa mga health workers mula sa RHU Tanay at DOH na nagtulong-tulong para i-monitor ang lagay ng pasyente. (PIA-Rizal, may ulat mula sa Municipality of Tanay Official Facebook Page)
No comments