Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

100 baka ipinagkaloob sa mga magsasakang apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Lipa

By Bhaby De Castro May 16, 2020 May 100 baka ang ipinamahagi ng DA-Calabarzon sa mga magsasakang mula sa lungsod ng Lipa na apektado ng...

By Bhaby De Castro
May 16, 2020



May 100 baka ang ipinamahagi ng DA-Calabarzon sa mga magsasakang mula sa lungsod ng Lipa na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal. (Larawan mula DA Calabarzon/Caption ni Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)


LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS - Nagkaloob ang Department of Agriculture-Region IV Calabarzon ng 100 baka sa pamahalaang lungsod ng Lipa noong ika-9 ng Mayo upang ipamahagi sa mga magsasakang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Nakibahagi sa naturang pamamahagi sina G. Denis Arpia, Assistant Regional Director for Operations at Regional Rice Program Coordinator at Gng. Vilma Dimaculangan, Assistant Regional Director for Research and Regulations at Regional Livestock Program Coordinator mula sa tanggapan ng DA at sa bahagi naman ng pamahalaang lungsod sina Mayor Eric Africa at City Veterinarian Dr. Samuel Garcia.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Nauna rito, nagsagawa na din ng pamamahagi ng intervention ang naturang tanggapan para sa mga apektadong magsasaka sa bayan ng Laurel noong Mayo 1, 2020. Ang bayan ng Laurel ang isa sa mga bayan sa lalawigan ng Batangas ang lubhang naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano.

Nakatakda na ring makakatanggap ng kaparehong tulong ang mga benepisaryo ang may 15 pang bayan at siyudad sa Batangas kabilang ang Tanauan, Lemery, Taal, Agoncillo, Alitagtag, Balete, Cuenca, Malvar, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Talisay, San Jose, Bauan at Mabini.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sa kabuuan, naglaan ang ahensiya ng kabuuang 1,163 baka, 482 kalabaw at 850 kambing upang ipamahagi sa mga magsasaka sa buong lalawigan ng Batangas.

Ang pagkakaloob ng baka at iba pang mga hayop ay bahagi ng rehabilitation at recovery program ng DA Calabarzon sa mga apektadong magsasaka dahilan sa pagputok ng bulkang Taal noong Enero ng taong ito.

Ito rin ay napapanahon sapagkat hindi pa man nakakabangon ang karamihang Batangueno mula sa pagsabog ng Bulkang Taal, ngayon naman ay dumaranas sa epektong dala ng COVID-19 pandemic hindi lamang sa usaping pangkalusugan kundi maging sa usaping pangkabuhayan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from ARC,DA-RAFIS)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon