Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Keilco nagdonate ng P1M sa Batangas City laban sa Covid-19

May 16, 2020 VP, Plant Manager Myung-soo Kang at City Treasurer Aster Marasigan BATANGAS CITY - Nagdonate ng halagang P1milyon ang Kep...

May 16, 2020



VP, Plant Manager Myung-soo Kang at City Treasurer Aster Marasigan


BATANGAS CITY - Nagdonate ng halagang P1milyon ang Kepco Ilijan Corporation (KEILCO) sa pamahalaang lungsod ng Batangas upang gamitin sa mga gawain nito kontra sa Covid-19.

Ang cheke ay personal na iniabot ni VP At Plant Manager Myung-soo Kang kay City Treasurer Aster Marasigan, Biyernes, May 15.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon kay Marasigan, ang nasabing halaga ay ilalagay sa Trust Fund ng city government.

Ipinabatid din ni Kang na nagkaloob sila sa kanilang host barangay- ang barangay Ilijan ng P200 libong halaga ng bigas noong Marso at halagang P215,000 naman noong araw ng kapistahan nito noong ika- 8 ng Mayo.

Sinabi niya na bagamat hindi technically affected ang kanilang planta dahil normal pa din ang operasyon nito sa buong panahon ng ECQ, nagpatupad sila sa kanilang may 120 empleyado ng 4-day work week at groupings. (PIO Batangas City)

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon