Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ang Ama ng Philippine email, namatay na sa edad ng 67.

By Jay Lim May 8, 2020 Roberto Verzola (Photo by Oxford Internet Institute - University of Oxford) Roberto Verzola o Ka Obet bete...

By Jay Lim
May 8, 2020




Roberto Verzola (Photo by Oxford Internet Institute - University of Oxford)


Roberto Verzola o Ka Obet beterano ng first quarter storm, aktibista, manunulat, mathematician at kilala bilang Ama ng Philippine email, namatay na sa edad na 67 noong miyerkules ng gabi, Mayo 6, sa kanyang tahanan sa Quezon City habang nagpapagaling mula sa operasyon dahil sa sepsis at pneumonia (hindi COVID-related).

Si Verzola ay masasabing aktibista na noon pang sya ay nagaaral sa Philippine Science High School. Siya ang pinakabatang detainees noong Martial Law. Nag-aral sya ng electrical engineering sa University of the Philippines.

Kilala si Verzola bilang “Father of Philippine email.” Siya ang nag set up ng email at internet connections para sa mga civil society organizations o nongovernmental organizations noong1992 sa Pilipinas.

Maliban sa information technology, si Verzola ay aktibo rin sa mga pagsusulong at adbokasiya hinggil sa intellectual property rights, genetic engineering, election automation, at nagpasimula sa pagsusulong ng renewable energy dito sa Pilipinas.

Tumulong siyang maitatag ang mga samahan tulad ng Philippine Greens, Center for Renewable Energy and Sustainable Technologies o CREST, Systems of Rice Intensifications o SRI at ang Tanggol Kalikasan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Noong 2003, kasama sya sa humigit kumulang na isang buwan na hunger strike sa harapan ng tanggapan ng Department Agriculture sa Quezon City laban sa paglulunsad ng DA ng Bt corn.

Sinulat nya ang mga aklat tulad ng Society, Ecology and Transformation at ang Crossing Over: The Energy Transition to Renewable Energy and Towards a Political Economy of Information.

Naging guro si Verzola sa UP Diliman Institute of Mathematics.

Para sa mga malalapit niyang kaibigan at kasama sa kanyang mga adbokasiya kilala si Verzola bilang si Ka Obet.

Si Ka Obet ay nagiwan ng bakas ng kagitingan at kabunyian sa pahina ng ating kasaysayan. At inspirasyon para sa pagpapatuloy ng pagtataguyod ng kanyang mga nasimulan.

Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon