By Ruel Orinday May 8, 2020 Image from ofwupdate.com LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hinikayat ng panlalawigang tanggapan ng Technica...
May 8, 2020

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hinikayat ng panlalawigang tanggapan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Quezon ang mga residente ng lalawigan para sa libreng online courses na ipinagkakaloob ng TESDA ngayong panahon ng enhance community quarantine.
Sinabi ni Supervising Technical Education Skills Development Specialist Engr. Racy Gesmundo, puwedeng mag-enroll ang kahit sino na residente ng Quezon sa TESDA Online Program (TOP).
"Kailangang pumunta lamang sa e-tesda.gov.ph website ang mga interesadong indibidwal," sabi pa ni Gesmundo
Ayon pa kay Gesmundo, ang mga dati nang may account ay puwede nang mag-register habang ang wala pa ay kailangang gumawa muna ng bagong account at mag-fill-up sa online form.
Ang mga kursong may kaugnayan sa agriculture, automotive, entrepreneurship, electrical and electronics, human health and health care, information and communication technology, maritime, food and beverages, social and community development, tourism at iba pa ay maaaring kunin sa TESDA Online Program.
Ang mga makakatapos ng kahit anong kurso sa TOP ay mabibigyan ng katibayan o sertipiko na pwedeng gamitin bilang credential sa pagtatrabaho sa isang kumpanya ayon pa kay Gesmundo. (Ruel Orinday- PIA-Quezon)
No comments