Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

'Complex of Hope' COVID-19 facility sa Santa Rosa City, operational na

By PIA Laguna May 16, 2020 SANTA ROSA CITY — Magsisimula na ngayong linggo ang operasyon ng ‘Complex of Hope’ sa Santa Rosa City, is...

By PIA Laguna
May 16, 2020






SANTA ROSA CITY — Magsisimula na ngayong linggo ang operasyon ng ‘Complex of Hope’ sa Santa Rosa City, isang hiwalay na pasilidad na itinayo ng The Medical City South Luzon para lamang sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa pamunuan ng ospital, ang nasabing pasilidad ang pinakaunang COVID-19 facility sa lalawigan at sa buong bansa na nakatuon lamang sa paggamot ng mga pasyenteng may COVID-19.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kumpleto sa kagamitan at iba pang pasilidad ang Complex of Hope gaya ng mga kama para sa Intensive Care Unit nito.

Dagdag pa ng TMCSL, may kapasidad ito na magsilbi sa 26 na pasyente at mayroong hiwalay na pasilidad na magsisilbing pansamantalang tutuluyan ng mga healthcare workers nito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang mga beteranong doktor at staff ng ospital naman nito ang siyang mangangalaga sa mga pasyenteng i-aadmit sa nasabing COVID-19 facility.

Inihayag ng pamunuan ng TMCSL ay dumagsa ang mga pasyente sa kanilang ospital nang gawin ito bilang isang COVID-19 referral hospital.

Kaya naman, ito anila ang nag-udyok sa kanila upang magtayo ng hiwalay na pasilidad n tututok lamang sa pagbibigay ng lunas sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sa pahayag naman ng pamahalaang lungsod sa kanilang official Facebook page, sinabi nito na naitayo ang Complex of Hope sa loob lamang ng 27 araw. (FSC)

“Ang pasilidad ay itinayo sa loob lamang ng 27 araw, at produkto ng pagkaka-isa at pagsasama ng mga iba’t ibang grupo, korporasyon, indibidwal at lokal na pamahalaan,” saad nito.

Pormal na binuksan ang Complex of Hope ng TMCSL noong Mayo 11, 2020 na dinaluhan ni Vice President Leni Robredo at Santa Rosa City Mayor Arlene B. Arcillas.

Sinabi naman ni Mayor Arcillas na patunay ang Complex of Hope sa pagsasakatuparan ng layunin na kung kumilos ang lahat ng sama-sama ay mapagtatagumpayan din nito ng sama-sama ang laban kontra COVID-19.

Aniya, ang pagkakatayo sa COVID-19 facility ay nagbibigay pag-asa na kaya ng lahat na labanan ang COVID-19.

Sumasalamin din aniya ito sa patuloy na panawagan ng lungsod na “Kaya ng Santa Rosa Labanan ang Corona. [COVID-19]”

Sa ngayon, inaasikaso na ni Mayor Arcillas ang donasyon na 30 hospital beds gayundin ang pagsasaayos ng mga kailangang permits bilang bahagi ng partnership sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng TMCSL.

Ayon pa sa pamahalaang lungsod, nagbigay din ang Department of Science and Technology (DOST) Region 4A ng 12 RxBox telemedicine units na magagamit upang remote na ma-access at maproseso ang mga datos ng pasyente ng COVID-19.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon