Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Rapid testing isinasagawa na sa bayan ng Majayjay

By Rachel Joy Gabrido May 16, 2020 BAY, Laguna – Bilang pagpapaigting sa paglaban sa Coronavirus Disease o COVID -19, nagsimula nan...

By Rachel Joy Gabrido
May 16, 2020







BAY, Laguna – Bilang pagpapaigting sa paglaban sa Coronavirus Disease o COVID -19, nagsimula nang magsagawa ang lokal na pamahalaan ng Majayjay ng rapid testing ngayong lingo.



Ayon kay Mayor Jojo Clado, naglaan ang lokal na pamahalaan ng 1,200 Rapid Testing Kits o RTK para sa 40 mga barangay ng Majayjay na nagkakahalagang higit kumulang sa isang milyon.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“We alloted a total of 1200 rapid testing kits o RTK for our 40 barangays amounting to P1M plus. Total of free 30 RTK per barangay for their use,” paliwanag ng Alkalde.



Sinabi niya na may tig-30 mga RTK ang nakalaan para sa bawat barangay kung saan prayoridad na i-test ang mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Samantalang aniya ay maaari nang ipamigay ng mga Punong Barangay ang matitirang RTK para sa mga nasasakupan nilang mahihirap na residente.

Maaari rin aniya na bumili ng RTK mula sa kanilang munisipyo at ang kanila mismong Medical Technologist ang siyang susuri o magsasagawa ng rapid testing. Itong partikular na hakbang na ito ay naisabatas na sa pamamagitan ng Municipal Ordinance na naaprubahan noong Miyerkules, Mayo 12, 2020.

Inihayag naman ng Alkalde sa Philippine Information Agency Calabarzon kung saan nagmula ang pondo ng RTK, “Iyong unang 1000 pieces po ay from the Bayanihan Grant to Cities and Municipalities fund namin. Iyong paparating na 1000 pieces na additional ay mula po sa pondo po namin from our Municipal funds.”

Dagdag pa niya, na sinabsidiya rin ng lokal na pamahalaan ang pagbili ng mga Personal Protective Equipment o PPEs para sa mga personnel na nagsasagawa ng test.

Palatuntunan

Sa hiwalay na pahayag sa opisyal na Facebook Account ng Alkalde, ipinaliwanag niya na matapos ang paunang rapid testing para sa kanilang frontliners hanggang sa Linggo, Mayo 17, magsisimula naman sa Lunes, Mayo 18, ang pag-test sa mga nais pumasok sa kanilang bayan.

Ang schedule ng rapid testing ng mga nais pumasok sa bayan ng Majayjay ay Lunes hanggang Sabado, ika-1 hanggang ika-4 ng hapon.

Sa San Isidro Checkpoint lamang maaaring pumasok ang mga walang health clearance at sila ay dadalhin sa holding at testing area na nasa Suba National High School.

Ang mga byahero ng gulay kasama ang drivers at mga pahinante ay dalawang beses sa isang Linggo ite-test, tuwing Martes at Sabado, nang sa gayon wala nang check-up na gagawin pa sa tuwing sila ay lalabas nang bayan.

“Iisuehan namin kayo ng pass na good for Tuesday to Friday at Saturday to Monday. Bawas hassle!” pahayag ni Mayor Clado sa kanyang post.

Kung sakali naman na may mag-positibo, sinabi ng Mayor na sila ay dadalhin sa isang isolation facility at ang district hospital ng Majayjay ang magsasagawa ng ‘confirmatory swab polymerase chain reaction (PCR) test.’ Ang nag-positibo ay mananatili sa isolation facility hanggang sa lumabas na ang resulta.

Kahalagahan

Dahil sa napalawig ang Enhanced Community Quarantine o ECQ bilang Modifed ECQ o MECQ sa NCR at Laguna, ayon sa Alkalde ay marami lalo ang gustong umuwi sa kanilang bayan at puno na rin ang kanilang quarantine facility.

Isang paraan umano ang rapid testing upang maresolba ito.

Bagaman hindi 100 porsyento ang ‘accuracy’ ng mga rapid test kits aniya magandang uri ng test kit ang kanilang nabili.

“The good thing about sa na-procure naming RTK is that it has these features to detect if you have the ig/G and ig/M. Meron kasi na negative or positive lang ang result which is very unreliable.”

Kaya malaki aniya ang maitutulong ng rapid testing para sa mga nais umuwi dahil hindi na sila kailangan i-quarantine pa sa isang pasilidad kundi maaari na silang dumiretso sa bahay para sa 14 na araw na self-quarantine.

Siniguro naman niya na ang mga ito ay araw-araw na i-momonitor at i-checheck ng mga opisyal ng BHERT sa kani-kanilang barangay.

Malaki rin aniya ang matitipid ng munisipyo para sa gastusin sa kanilang quarantine facility dahil rito.

“And last, though not 100% accurate, at least we have a 45% assurance or probability na hindi sila positive para sa safety ng pamilya nila at ng mga tao sa bayan.”

Pananaw sa MECQ

Ayon kay Mayor Clado, siya ay pabor sa pagpapalawig ng ECQ na ngayon nga ay nabago nang kaunti bilang MECQ.

“Mixed feelings pero I am pro-extension of the ECQ. Mas importanteng maghigpit muna kaysa ma-experience natin ang 2nd wave or resurgence ng virus if we lift the ECQ prematurely,” sinabi niya sa PIA Calabarzon.

Aniya pabor siya na dahan dahan ang pagluluwag ng national government sa lalawigan ng Laguna na kinabibilangan ng bayan ng Majayjay.

Ganunpaman, ang nakikita niyang problema sa kanilang bayan ay maaaring hindi na masuportahan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang maliit na natitirang pondo ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan, higit sa lahat ang mga ‘no work, no pay’ na mamamayan.

Kaya’t ang Alkalde ay nagpahayag ng panawagan, “We implore the national government to further give us more assistance.”

Humihingi ang lokal na pamahalaan ng Majayjay ng suporta mula sa pamahalaang nasyunal nang sa gayon ay kayanin nilang mapunuan ang pangagailangan ng kanilang mamamayan na apektado ng extension ng ECQ o ng MECQ. (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: contact@sentineltimes.net
WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon