Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lungsod ng Antipolo naglabas ng karagdagang ECQ guidelines

By Kier Gideon Paolo M. Gapayao May 7, 2020 (Larawan mula sa Antipolo City Government Facebook Page) LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal - Mag...

By Kier Gideon Paolo M. Gapayao
May 7, 2020


(Larawan mula sa Antipolo City Government Facebook Page)

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal - Magpapatupad ang Pamahalaang Panglunsod ng Antipolo ng karagdagang panuntunan para sa ECQ.

Simula Mayo 8 ay sasailalim na sa Barangay Coding ang pagpunta sa commercial establishments.

Tuwing Lunes at Huwebes bukas para sa mga residente ng Barangay Cupang, Sta. Cruz, Calawis, San Roque, San Luis at Inarawan ang mga establisyemento. Martes at Biyernes naman bukas para sa mga taga Bagong Nayon, Muntindilaw, San Isidro, Beverly Hills at Mayamot habang Miyerkules at Sabado bukas para sa Dela Paz, Mambugan, Dalig, San Juan at San Jose.

Patuloy rin ang pagpapatupad ng mga precautionary measures katulad ng Single Entry, Single Exit; No Face Mask, No Entry at; social o physical distancing.

Maari ring gumamit na lamang ng mga online services tulad Antipolo E-Palengke, E-Kadiwa, Gasmee Project at Joyride Pabili. Maaabangan rin ng mga mamamayanan ang mobile services tulad ng mobile palengke, mobile ATM at Kadiwa on Wheels.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Mananatili namang exempted ang mga sumusunod: "Authorized person outside of residence" (APOR) sa ilalim ng National Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines o mga health workers, government employees, bank employees, atbp.; mga kadahilanang medikal o iba pang emergency o; mga may hawak na soecial permit mula sa barangay o sa Lungsod.

Ayon pa sa Pamahalaang Panglungsod ay huhulihin ng kapulisan at papatawan ng kaukulang parusa (P5,000.00 multa at hanggang isang taon pagkakakulong ang mga mahuhuling lalabag

Paalala rin ng LGU sa mga mamamayan na manatili sa bahay maliban sa essential travel o pagbili ng essential supplies kagaya ng pagkain at gamot o pagpunta sa bangko at iba pang financial services.

Dagdag rin ng LGU na hindi maaring lumabas ng bahay ang walang quarantine pass mula sa barangay. (PIA Rizal may ulat mula sa Antipolo PIO/Antipolo City Gov't Facebook Page)

Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon