Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Dalawang lalaki patay sa enkwentro sa Rizal

By Gilas Rizal
July 29, 2020


Dalawang lalaki patay sa enkwentro sa Rizal



SAN MATEO, Rizal - Dalawa umanong miyembro ng isang kidnap-for-ransom group ang patay matapos maka-engkwentro ang mga awtoridad sa Brgy. Gulod Malaya sa San Mateo, Rizal.

Kinilala ang isang suspek na si Nathaniel "Tonton" James Recto habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa.





Ayon kay Police Maj. Ronaldo Lumactod, hepe ng Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) public information office, may nagtip na may transaksiyon sa droga ang dalawa.

May dala ng warrant of arrest ang pulisya pero nang matunugan ni Recto agad itong tumakas kasama ang isang lalaki, ng sundan pinaputukan niya ang mga tauhan ng PNP-AKG.

Sa pagiimbestiga ng pulisya may naunang kaso ang dalawa kagaya ng paglabag sa gun ban noong election at grave coercion.

0 comments:

Post a Comment



–>