Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Ilang lugar sa Antipolo, isinailalim sa lockdown

By Gilas Rizal
July 29, 2020


Ilang lugar sa Antipolo, isinailalim sa lockdown




Isinailalim sa Enchanced Community Quarantine (ECQ) ang ilang lugar sa Antipolo City nong July 27, 2020.

Inanunsyo ni Antipolo Mayor Andeng Ynares sa kanyang Facebook account na isasailalim sa isang linggong lockdown ang Sitio Upper Ruhat 3A sa Brgy. Mambugan; Sitio Kamandag 3 sa boundary ng Brgy. Bagong Nayon at Brgy. Mayamot; 1st Street ng Sitio Oreta sa Brgy. San Isidro; Zapanta Compound sa Brgy. San Roque. Kasama din ang Sitio Tubigan sa Brgy. Dalig kabilang ang Matalino Street, Plaza Dilao, Maganda Street, Masikap Street at Mahinhin Street.





Mahigpit na pinagbabawal ang paglabas ng mga residente maliban sa mga frontliners, health workers at mga nagtatrabaho. Tinitiyak naman ng lokal na pamahalaan ng Antipolo na magpapamigay ito ng mga relief goods sa apektadong residente.

Magsasagawa naman ng COVID-19 tests sa mga senior citizens, buntis at may ibang sakit, pati din sa mga residenteng may mga sintomas.

Bibigyan naman sila ng pagkain at mga ibang pangangailangan ng lokal na pamahalaan.

0 comments:

Post a Comment



–>