Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ibat-ibang sektor sa lungsod, nagpasalamat sa natanggap na pamaskong handog mula sa pamahalaang panlungsod

by PIO Lucena/EJ Bagnes December 22, 2020 Kuya Mark Alcala (Photo from PIO Lucena)...

by PIO Lucena/EJ Bagnes
December 22, 2020


Ibat-ibang sektor sa lungsod, nagpasalamat sa natanggap na pamaskong handog mula sa pamahalaang panlungsod
Kuya Mark Alcala (Photo from PIO Lucena)



LUCENA CITY - Sa kabila ng patuloy na pagharap sa pandaigdigang krisis pangkalusugan ng buong mundo maging ng Lungsod ng Lucena, sadyang hindi nawawala ang diwa ng papalapit na kapaskuhan kung saan ay may maagang pamaskong handog si Mayor Roderick Dondon Alcala.

Kaugnay nito, pinangunahan kamakailan ng panganay na anak ni Mayor Dondon Alcala na si Kuya Mark Alcala ang pagbibigay ng maagang regalo para sa ibat-ibang sektor sa Lungsod ng Lucena.



Ang naturang gift pack ay naglalaman ng grocery items tulad ng bigas, canned goods at iba pa.

Ipinaabot naman ng ilang mga Lucenahin ang kanilang taus pusong pasasalamat sa maagang papasko ng Alkalde gayunding sa anak nito na si kuya Mark Alcala, sa pagbibigay oras upang sila ay makadaupang palad.



Ilan sa mga nakatanggap na papasko ay hindi maikubli ang sayang kanilang naramdaman dahil anila ay hindi matatawaran ang mga papaskong kanilang natanggap na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan lalo't higit ni Mayor Dondon Alcala.

Ngunit sa kabila ng kinakaharap na pandemya ay pinapanatili naman ng mga dumadalo dito ang pagsunod sa mga health at safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at faceshield gayunding ang pagsunod sa social at physical distancing.



Naging katuwang rin sa pamamahaging nabanggit ang ang pinsan ni Mayor Alcala na si Kuya Ayan Alcala kasama ang ilang mga konsehal ng pamahalaang panlungsod.
Bilang panghuli, sinabi ni Kuya Mark Alcala na bagamat sinubok tayo ng taong 2020 ay huwag nating kalimutan na kamustahin ang kalagayan ng bawat isa, ito aniya ay bilang regalo na rin ng mga ito ngayong darating na kapaskuhan.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon