Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ika-69 na anibersaryo ng Lucena City Library, ipinagdiwang ng mga kawani nito

by PIO Lucena/K.Monfero July 10, 2021 Kawani ng Lucena City Library LUCENA CITY - Bagama’t kasalukuyan pa ding nasa gitna ng pandemya ang l...

by PIO Lucena/K.Monfero
July 10, 2021


Ika-69 na anibersaryo ng Lucena City Library, ipinagdiwang ng mga kawani nito
Kawani ng Lucena City Library




LUCENA CITY - Bagama’t kasalukuyan pa ding nasa gitna ng pandemya ang lungsod dahilan sa nakahahawang sakit na coronavirus disease 2019 o Covid-19, hindi pa rin naman nito napigilan ang mga kawani ng Lucena City Library na ipagdiwang ang ika-69 na anibersaryo ng kanilang tanggapan.

Kaya naman kahit aniya nakapasailalim pa rin ang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine, patuloy pa rin ang pagpapalaganap ng mga librarians sa lungsod ng kahalagahan ng pagbabasa.



Bilang pagdiriwang ng nasabing anibersaryo nagtungo ang mga ito sa mga Barangay Reading Centers at corners sa Barangay Talao-talao, Barangay Dalahican, Barangay Barra at Barangay 9.

Ito ay upang personal na maiabot sa mga BRC ng ilang mga babasahing pambata na maaaring magamit ng mga kabataan sa kanilang mga barangay.



Malugod namang tinanggap ng mga BRC ang mga ipinagkaloob na libro ng mga librarians ng Panlungsod na aklatan at taos sa puso ang pagpapasalamat ng mga ito sa patuloy nap ag-alalay at pagsuporta ng City library sa kanilang mga munting BRCs.

Sana aniya ay patuloy lang na ipahayon ng mga ito ang kahalagahan ng pagbabasa upang mas maraming matutunan at mas maraming kaalaman ang makuha ng mga kabataan at maging ng mga mamamayang Lucenahin tungo sa magandang kinabukasan.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon