Koop umalma sa bantang kalkalin ang Tayabas Bay

by Dong de los Reyes November 25, 2021 Tayabas Bay (Photo from Jay S. Lim) TAYABAS CITY - Umalma ang mahigit 6,000-kataong kasapian ng koope...

by Dong de los Reyes
November 25, 2021


Koop umalma sa bantang kalkalin ang Tayabas Bay
Tayabas Bay (Photo from Jay S. Lim)






TAYABAS CITY - Umalma ang mahigit 6,000-kataong kasapian ng kooperatibang Yakap at Halik ng Padre Burgos, Quezon sa nakaambang balak na kalkalin ang kailaliman ng Tayabas Bay upang kumuha ng pantambak sa 318-ektaryang Manila Waterfront Project.

Hinihinalang ang kapural na kompanya, Palasyo Mineral Resources, Inc. (PMRI) ay isang multong kompanya na nagbabantang sumalaula sa may 10 ektarya ng pangisdaan ng mga bayan ng Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, at Unisan. Walang mabubungkal na datos ukol sa PMRI kahit halungkatin sa Google.



Wala ring isinagawang Environmental Impact Statement (EIS) o Environmental Compliance Certificate (ECC) ang PMRI para pasubalian ang pangamba ng taumbayan na walang magiging pinsala sa proyekto nitong kalkalin ang Tayabas Bay.

Pinansin ng Yakap at Halik sa kanilang Kapasyahan 035-10, 2021 na "hindi malinaw ang layunin ng PMRI kung ano ang kukunin sa ilalim ng dagat."



Sa isang panayam, tinukoy ni Dr. Fernando Siringan ng UP Marine Science Institute na "anuman ang kunin sa kailaliman ng dagat ay hindi na mapapanumbalik."

Binanggit din na ang ganoong proyekto ay makakasira ng pampang, pipinsala sa mga bahura na pangitlugan, santuwaryo, at palakihan ng mga yamang dagat-- na sa kalaunan, ay makakapinsala sa kabuhayan ng mga nasa tabing dagat.



Malakas ang kutob ni Siringan na nagdadahilan lang ang PMRI at iba talaga ang pakay nito sa Tayabas Bay, na kabilang sa mga lunan sa silangang pampang na nagtataglay ng black sand o magnetite at mga natatanging metal tulad ng vanadium na mas mahal kaysa ginto at platinum.

Related

TopStories 6400005888690793511

Post a Comment

emo-but-icon

Follow Us

Health

Total Pageviews

Latest News

Hot

Comments

Advertisement

About Us

Sentinel Times is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper. We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates.

Connect Us

Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at 0944 Enverga Boulevard, Manuel S. Enverga University Foundation, Site Village, Barangay Ibabang Dupay 4301 Lucena City, Quezon Province, Philippines. Cellphone# (Smart) 09190001601 / (Globe) 09279385896

Advertisement

item