Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Alam mo, ang nagsimula ay sila - Former Quezon Governor Eddie Rodriguez

by Danny Mangaba Lucena City - "Alam mo, ang nagsimula ay sila" ito ang naging tugon ni Former Quezon Governor Eddie Rodriguez ...

by Danny Mangaba

Lucena City - "Alam mo, ang nagsimula ay sila" ito ang naging tugon ni Former Quezon Governor Eddie Rodriguez at kasalukuyang Assistant Secretary ng DILG ng hingan ng kanyang reaksyon ng Tribune Post sa mga pagmumura ni President Duterte kina President Barack Obama, UN Secretary Ban Kimoon at sa European Union (EU).

Ayon kay Rodriguez, "bakit nakikialam sila sa ating kampanya laban sa droga? Alam natin na ang droga ay malaking problema sa atin, eh bakit papakialaman tayo, so they deserved of what they've got from President Digong. Kaya, wag silang makialam sa di nila alam."

Nang tanungin ng Tribune Post si Asec. Rodriguez na kung makakaapekto sa bansa ang pagkakaroon ng paradigm shift sa foreign policy ng pangulo, partikular sa mga foreign investors at foreign aid mula sa US at European Union ay sinabi nito na "wala akong nakikitang pagbabago, dahil kilala ko at exposed ako with the Foreign Investors. I am exposed with business at "yong mga investors ko ay they don't care. Alam nila na ang ginawa ni President Duterte ay para sa kaayusan at kapayapaan, at 'yan ang kailangan ng negosyo, katahimikan at kaayusan. Kung tayo ay walang problema sa krimen, sa droga ay ano pa ang gagawin mo sa isang bansa kung ito ay magulo, nasaan ang negosyo na magpapalaganap mo, wala! Ang mga negosyante ay always after sa peace and order of the country that's why they invest at wala silang pakialam kung ang presidente ay nagmumura dahil ang kanilang concern ay ang kanilang negosyo at safe ang lugar kaya nga 'yan ang gusto ng Presidente kaya gusto na niya talagang tapusin ang  ABU-SAYAP at problema sa NPA sapagkat hindi rin makakapag-invest ang mga foreigners dahil magulo kaya nga ang ginagawa ng pangulong Duterte ay magkaroon ng peace ang order para everybody is doing their own thing" dagdag pa ni Rodriguez. Makakabuti din daw sa bansa na kung gustong magnegosyo dito ay magawa ito ng sinuman sabay na sinabing "dapat intindihin ng mga foreigners ang kanilang mga problema at wag silang makialam sa atin"

Nagbigay pa ng halimbawa itong Asec. Rodriguez na noong panahon daw diumano ng Aquino Administration ay nagpadala ang United Nations ng kanilang reperesentative upang imbistigahan ang diumano'y paglabag sa karapatan ng dating pangulong si Gloria Macapagal - Arroyo ng siya ay naka-hospital arrest pa subalit hindi daw ito pinansin ni PNOY "tapos ngayon ay ginagawa nila itong big thing ang nangyayari at hindi pa naman nai-stablished ang Extra Judicial Killings."

No comments

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Block 9 Lot 18, Silver Creek Subdivision, Alpine Rd, Barangay Bocohan, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.