Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Community-Based Rehabilitation Program inilunsad ng Barangay San Jose, Antipolo

by FM Javier, Antipolo PIO, PIA-Rizal LUNGSOD NG ANTIPOLO – Inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang Community Rehabi...

by FM Javier, Antipolo PIO, PIA-Rizal

LUNGSOD NG ANTIPOLO – Inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang Community Rehabilitation Program sa Barangay San Jose noong Oktubre 7, 2016 na magsisilbing rehabilitasyon ng mga sumukong drug users sa barangay na may kaakibat ring mga community integration programs katulad ng spiritual at mental wellness, relationship literacy, at iba pa. 

“Sama-sama po nating buhayin ang diwa ng pagtutulungan mula sa barangay papunta sa lungsod, hanggang sa buong bansa upang masugpo natin ang droga, kriminalidad, at katiwalian sa gobyerno. Tanging kailangan po natin ang kooperasyon at panalangin ng bawat isa,” pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Ynares. Naunang isalang ang 40 na sumukong drug users na sumailalim sa assessment and drug classification na pinangasiwaan ng City Health Office (CHO) at ng mga Barangay Health Workers (BHWs). 

Nagkaroon ng counseling kasama ang kanilang mga pamilya sa gabay ng mga religious leaders ng National Auxiliary Chaplaincy Philippines, Inc. (NACPHIL). Magiliw rin silang nakiisa sa libreng zumba session matapos ang orientation tungkol sa droga. Layunin ng pamahalaang lokal na maging aktibo sa pakikiisa ang 16 barangay kasama ang mga pribadong ahensiya at indibidwal na nais mag-volunteer. Nagpasa ng Resolution No. 2016-003 ang liga ng mga barangay na nagsasaad ng kanilang pagsang-ayon sa pagkakaroon ng 12 na sesyon ng recovery program ng SIPAG (Simula ng Pag-asa) para sa mga drug surrenderees. Nagmula ang programang SIPAG sa pagtutulungan at kasunduan ng Dangerous Drug Board (DDB) at Christ’s Commission Foundation Ministries, Inc. (CCF) na nagnanais matulungan ang mga drug dependents sa pagbabagong-buhay mula sa mga makabuluhang counselings hatid ng mga religious groups sa bansa. (FM Javier, Antipolo PIO, PIA-Rizal)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Block 9 Lot 18, Silver Creek Subdivision, Alpine Rd, Barangay Bocohan, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.