by PIO Lucena/ R. Lim Bilang paghahanda sa darating na kapaskuhan, nagsagawa ng Christmas launching ang SM City-Lucena kamakailan. Gina...
by PIO Lucena/ R. Lim
Bilang paghahanda sa darating na kapaskuhan, nagsagawa ng Christmas launching ang SM City-Lucena kamakailan.
Ginanap ang launching na ito sa atrium ng nasabing mall na kung saan ay dinagsa ito ng mga Lucenahin partikular ang mga kabataan.
Dumalo sa naturang aktibidad sina Vice Mayor Philip Castillo, executive assistant II Arnel Avila na siyang nagreprenta kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Maricel Alquiroz, ang mall manager ng SM City-Lucena, Lilibeth Azores, ang PR Manager for South Luzon I & II, at ilang mga mamamahayag sa lungsod.
Nagsimula ang nabanggit na programa sa pamamagitan ng isang presentasyon mula sa mga estudyante ng Calayan Educational Foundation Inc. na kung saan ay ang naging tema nito ay tungkol sa kapaskuhan.
Matapos nito ay nagbigay ng kani-kaniyang mensahe ang mga nabanggit na opisyales na nagpapahayag ng kani-kanilang pasasalamat sa pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad para sa mga Lucenahin.
Kasunod nito ay sinimulan na ang countdown ng araw ng bilang sa paparating na kapaskuhan at ang pagbabagsak sa mga lobo na kung saan ay pinagkaguluhan ito ng mga kabataan.
Kapansin-pansin rin dito ang naggagandahang mga dekorasyong pampasko sa mismong gitna ng atrium ng SM City-Lucena na matapos ang aktibidad ay kani-kaniyang nagpakuha ng litrato ang ilan sa mga nasa lugar kasama ang kanilang pamilya.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng okasyon ng pamunuan ng SM City-Lucena ay bilang pagpapakita nila ng pakikiisa sa pagdiriwang ng kapaskuhan at upang mapaligaya ang mga kabataang Lucenahin maging sa simpleng pamamaraang katulad ng nito. (PIO Lucena/ R. Lim)



No comments