Tinatayang aabot sa mahigit na 1,500 mga senior citizens sa lungsod ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift mula kay Mayor Roderick ...
Tinatayang aabot sa mahigit na 1,500 mga senior citizens sa lungsod ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift mula kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Ang mga senior citizens na ito ay ang mga nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Oktubre na nagmula naman sa iba’t-ibang barangay sa Lucena.
Personal na iniabot ang regalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa mga lolo at lola na na ginanap naman sa Reception and Action Center sa bahagi ng Zaballero Subd. sa Brgy. Gulang-Gulang.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon, binati nito ang lahat ng mga nakakatandang sector sa Lucena na nagdiwang ng kanilang karaawan.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon, binati nito ang lahat ng mga nakakatandang sector sa Lucena na nagdiwang ng kanilang karaawan.
Gayundin inihayag nito na sa budget ng lungsod ay mayroong lying share ang mga ito na kung saan ay tinaasan pa ito para sa mga programa at proyekto sa naturang sector.
Patuloy pa rin aniyang nag-iisip ng mga pamamaraan ang pamahalaang panlungsod upang maibigay ang mga nararapat na benepisyo ng mga senior citizens sa lungsod.
Ang pagbibigay na ito ng birthday cash gift sa mga nakakatandang Lucenahin ay isang paraan lamang ng alkalde ng kaniyang pasasalamat at pagbibigay galang at halaga sa mga ito dahilan sa mga naiambag nila para sa Lucena.
Dahil isa ang sector ng Senior Citizens sa mga malalapit sa puso ni Mayor Dondon Alcala dahilan sa aniya ay sila ang nagbibigay gabay sa mga kabataang Lucenahin tungo sa mas magandang pamumuhay. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments