SAN PABLO CITY (PIA) - Isa ang San Pablo City sa 18 bayan sa buong Region 4A ang pumasa sa criteria ng “2016 Good Financial Housekeeping” n...
SAN PABLO CITY (PIA) - Isa ang San Pablo City sa 18 bayan sa buong Region 4A ang pumasa sa criteria ng “2016 Good Financial Housekeeping” na isa sa components upang mabigyan ang isang local government unit ng award para sa “Seal of Good Governance.”
Isa ang lungsod sa nabigyan ng pagkilala mula sa 18 rehiyon sa buong Pilipinas at sa may 1,673 LGUs na sumailalim sa assessment ng Department of Interior and Local Government. Batay sa memorandum na natanggap ng DILG-San Pablo mulay kay Provincial Director Darell Dizon ng DILG-Laguna, isa ang San Pablo City kasama ang bayan ng Binan, Cabuyao, Calamba, at Sta. Rosa ang pumasa sa nasabing component.
Ang pagpasa sa Good Financial Housekeeping ay magagamit ng lungsod para maka-avail ng mga loans at National Program Windows tulad ng Special Local Road Fund (SLRF), Bottom-Up Budgeting (BUB), Papaya at Masaganang Pamayanan (PAMANA) at Sagana sa Ligtas na Tubig sa Lahat (SALINTUBIG). (MCA/CIO-SPC/PIA)



No comments