LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) - Humigit-kumulang 200 persons with disabilities (PWDs) ang nabigyan ng maagang papasko ng pamahalaang lungsod sa...
LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) - Humigit-kumulang 200 persons with disabilities (PWDs) ang nabigyan ng maagang papasko ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng special film screening sa SM City Batangas.
Ayon kay Sally Corollo, vice president ng PWD Association of Batangas City, malaki ang pasasalamat ng kanilang samahan dahil sa isang maganda at maagang pamasko ito para sa kanila.
“Bukod sa nakakaaliw ang mga pelikulang ito lalo na sa mga kabataang kasama namin dito, libre ito at sa panahon ngayon iilan na lamang ang talagang nakakapagsine dahil mas uunahin ang mga pangangailangang pang-araw araw sa halip na gumastos sa sine ay ibibili na lamang ng pagkain at iba pang kailangan”, ani Corollo.
Kabilang rin sa nabigyan ng libreng sine ang mga estudyante ng Special Education (SPED) kasama ang kanilang mga magulang at guardians.
Samantala, nilagyan naman ng audio description at close caption ang mga sine upang mas higit na mauunawaan ng mga bingi at bulag.
Inaasahan ring malaki ang maitutulong nito sa mga autistic para sa vocabulary development.
Ilan sa mga pelikulang ipinakita dito ay Oz the Great and Powerful, Frozen, Tomorrowland, Peter Pan at The Good Dinosaur. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments