Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ikalawang DTI Negosyo Center sa Antipolo, binuksan sa publiko

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal (PIA)-- Opisyal na binuksan sa publiko, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Departmen...

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal (PIA)-- Opisyal na binuksan sa publiko, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), ang ikalawang Negosyo Center sa ginanap na Launching Ceremony noong Nobyembre 29, 2016 sa City Mall of Antipolo (CMA).



Layunin nitong matulungang umunlad ang mga negosyante sa lungsod na nasa micro, small at medium enterprises (MSME) gayundin ang mga mamamayan na nagnanais pumasok sa pagnenegosyo.



Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, hinihikayat ng pamahalaang lokal ang mga mamamayan sa Antipolo na magnegosyo sapagkat naniniwala siyang magtatagumpay ang sinuman sa larangang ito kung mahusay at wasto ang pamamalakad. Aniya, bukas ang Negosyo Center na tulungan ang mga mamamayan na makapagtayo ng sarili nilang negosyo.



Nagsagawa ng ribbon cutting at blessing kasama sina Kon. Ronald Barcena, Kon. Edilberto Lagasca, Kon. Nixon Aranas, DTI-Regional Operations Group (ROG) Assistant Secretary Christopher Albert Naga, DTI IV-A CaLaBaRZon Regional Director Marilou Toledo, DTI-Rizal Provincial Director Mercedes Parreño, Antipolo Trade and Investment Promotions Office (ANTIPO) Head Amalia Engalla at ang bumubuo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry(PCCI)- Rizal at Antipolo Chamber of Commerce and Industry (ACCI).



Handang tumulong ang Negosyo Center sa lahat ng mga business owners na nangangailangan ng karagdagang kaalaman sa epektibong pamamalakad ng negosyo sa pamamagitan ng business counseling gayundin sa pagpaparehistro ng pangalan nito.



Samantala, ipinaliwanag din sa naturang programa ang kahalagahan ng pagnenegosyo kabilang ang paglikha ng trabaho para sa iba pang mamamayan, pagtaas ng produksyon, pagbawas ng kahirapan, at malaking kontribusyon sa pag-unlad ng komunidad.



Noong Nobyembre ng nakaraang taon, pinasinayaan ang kauna-unahang Negosyo Center sa Antipolo na matatagpuan sa DTI Provincial Office, Brgy. San Jose.



Tanging ang lungsod pa lamang ng Antipolo ang mayroong dalawang Negosyo Center sa buong probinsya ng Rizal. (S.Madoro, Antipolo City PIO/PIA-Rizal)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.