Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga mamimili at negosyante pinaalalahanan ng BSP ukol sa pekeng pera

LUCENA CITY, Quezon (PIA)- Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga mamimili at negosyante sa lalawigan ng Quezon na mag-ing...

LUCENA CITY, Quezon (PIA)- Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga mamimili at negosyante sa lalawigan ng Quezon na mag-ingat sa pagkalat ng pekeng perang papel lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sa idinaos na ‘Kapihan sa PIA’ sa activity center ng Pacific Mall sa lungsod na ito noong Disyembre 2, sinabi ni Lane Conde ng BSP-sangay ng Lucena City na ang pekeng perang papel ay madulas at walang gaanong security features.

Ayon sa kanya ang totoong perang papel ay magaspang at may makapal na security thread sa mga denominasyon na P1,000; P500; P200 at P100 na makikita sa may gitnang bahagi ng pera, may logo ng BSP, ang likod ng pera ay may larawan ng mga natatanging lugar at mga hayop na matatagpuan lalmang sa bansa na palatandaan ng paging tunay na pera.

Samantala, nagbigay rin ng babala ang BSP sa publiko na mula pa noong Enero 1, 2016 hanggang Disyembre 31, 2016, ang lumang serye ng salapi ay hindi na pwedeng gamiting pambayad at panukli, pwede na lamang itong palitan sa mga awtorisadong mga bangko at sa alinmang tanggapan ng bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa Enero 1, 2017, demonetized na ang lumang serye ng salapi at tanging ang bagong serye ng salapi ang gagamitin sa bansa ayon pa sa BSP.

Nakaugalian na ng mga bangko sentral sa buong mundo ang pagpapalit ng disenyo ng salaping mahigit 10 taong nasa sirkulasyon na isang paraan ng pangangalaga sa integridad ng pera ng bansa at naglalayon din na mahadlangan ang mga nagtatangakang manghuwad nito. (GG/Ruel Orinday/ PIA-Quezon)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/701481346641/mga-mamimili-at-negosyante-pinaalalahanan-ng-bsp-ukol-sa-pekeng-pera#sthash.ZdmqNxKC.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.