by Ruel M. Orinday LUCENA CITY, Quezon (PIA)- Itinalaga dito kamakailan bilang bagong acting provincial director ng Quezon Police Provinc...
by Ruel M. Orinday
LUCENA CITY, Quezon (PIA)- Itinalaga dito kamakailan bilang bagong acting provincial director ng Quezon Police Provincial Office si PSSupt. Roderick Armamento na pumalit kay PSSupt. Antonio Yara.
Sa idinaos na media fellowship kamakailan sa SOLCOM covered court sa Camp Guillermo Nakar sa lungsod na ito, sinabi ni Armamento na siya ay dating nakatalaga sa Valenzuela, Metro Manila bilang chief of police.
Ayon pa sa nasabing opisyal na residente ng Lucena City, mas paiigtingin pa niya ang kampanya laban sa kriminalidad at droga sa lalawigan ng Quezon sa kanyang panunungkulan bilang acting provincial director ng QPPO.
Nanawagan din siya sa mga dumalong mamamahayag sa nasabing okasyon na makiisa sa mga programang ipinatutupad ng QPPO kagaya ng ‘Oplan Tokhang, paglaban sa krimen at iba pang mga programa.
Idinagdag pa niya dito na makakaasa ang mga mamamahayag na malayang makakakuha ng mga balita at impormasyon sa kanyang tanggapan o sa alinmang tanggapan ng lokal na PNP sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon para ibalita. (GG/Ruel Orinday/ PIA-Quezon)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/701481347289/pssupt-armamento-itinalaga-bilang-acting-provincial-director-ng-qppo#sthash.cRhsqvtJ.dpuf

No comments