Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Number coding scheme para sa mga tricycle sa lungsod, binabalak ipatupad

Binabalak ngayon ng pamahalaang panlungsod at ng Tricycle Franchising and Regulatory Office ang pagpapatupad ng number coding scheme sa lun...

Binabalak ngayon ng pamahalaang panlungsod at ng Tricycle Franchising and Regulatory Office ang pagpapatupad ng number coding scheme sa lungsod.

Ang nasabing panukala ay sa pagnanais na mabawasan ang bilang ng mga tricycle na pumapasada sa lungsod upang lumuwag ang daloy ng trapiko sa Lucena.
Sa ginawang pagpupulong ng mga presidente ng iba’t-ibang TODA sa lungsod at ng nasabing ahensya kasama na si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan, kanilang pinag-usapan kung papaano ang magiging patakaran sa pagpapatupad nito.
Ayon kay Mayor Dondon Alcala, kanilang binabalak na ipatupad ito sa loob ng dalawang buwan bilang nasa experimental stage.
Sa nasabing panukala, magkakaroon ng oras ang mga pumapasadang tricycle na babatay sa huling numero ng kanilang prangkisa.
Sakaling nagtatapos ang huling numero ng mga ito sa tinatawag na odd number tulad ng 2, 4, 6, 8, at 0 ay mamamasada sa oras na 6:00 ng umaga hanggang ala-una ng hapon.
Samntalang ang even numbers naman na 1, 3, 5, 7, at 9 ay tuwing ala-una ng hapon hanggang alas syete ng gabi.
At pagsapit naman ng alas syete ng gabi ay maaari nang mamasada ang lahat ng mga tricycle maging anuman ang huling numero ng mga ito.
Binabalak na ipatupad ang naturang experimental odd-even scheme na ito sa pagsapit ng December 1.
Humiling rin ang alkalde ng tulong sa lahat ng mga presidente ng TODA na dumalo dito at sa kanilang mga opisyales lalo’t higit sa mga miyembro nito sa pagpapatupad ng panukalang ito upang maging matagumpay ito.
Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, sakali aniyang maging matagumpay ang kanilang binabalak na ito, ay mismong siya ang hihiling sa Sangguniang Panlungsod na gawin na lamang na dalawa ang kulay ng mga pumapasadang tricycle sa lungsod.
Ang mga kulay aniyang ito ang magsasabi kung odd o even ang tricycle at madaling malaman ng mga nanghuuling ahensya kung lumalabag ito.
Ang pagsasagawa ng panukalang eksperimentong ito ay upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa lungsod at magkaroon ng pagkakataon na makapamasada ng maayos ang mga tricycle drivers sa Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.