Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Oplan Bakuna ng City Health Office, isinagawa sa lungsod

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dahilan sa tindi init ng panahon ngayon, isa sa mga programa ng City Health Office ang pagbibigay ng bakuna lab...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dahilan sa tindi init ng panahon ngayon, isa sa mga programa ng City Health Office ang pagbibigay ng bakuna laban sa pneumonia at hepatitis sa ilang mga Lucenahin.Kahapon ng umaga ay nagsagawa ng naturang aktibidad ang mga tauhan ng CHO na kung saan ay nakinabang sa libreng bakuna na ito ang mga coordinators sa barangay.

Ayon kay Mam Chi-Chi Palillo, ang nurse II sa nabanggit na tanggapan, ang programang ito ay naisagawa dahilan na rin sa pagnanais ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala upang makaiwas ang lilang mga Lucenahin sa sakit na nabanggit.Dagdag pa ng nurse II sa City Health Office, ang bakunang itiniurok sa mga nabiyayaan nito ay tatagal ang bisa hanggang sa loob ng limang taon.

Ayon pa rin kay mam Palillo, ang proyektong ito ay nagsimula noon pang isang linggo na kung saan ay unang nabiyayaan nito ay ang mga empleyado ng pamahalaang panlungsod na prone sa sakit na trangkaso tulad ng garbage collectors, street sweepers, at angmga tauhan sa City Public Market.Bukod sa mga nabanggit na empleyado, isa rin sa mga nabibigyan ng bakunang ito ay ang mga senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay at libre itong ipinagkakaloob sa kanila.

Paliwanag pa ni Palillo, ang mga nagbabakuna sa proyektong ito ni Mayor Alcala ay nagmula sa national agency at sa city health office.Ayon pa kay Mam Chi-Chi Palillo, ang programang ito na Oplan Bakuna ay isasagawa hanggang sa araw ng biyernes na kung saan ay ilan rin sa mga mabibiyayaan nito ay ang ilang mga driver mula sa iba’t-ibang JODA at TODA na pumapasada sa kalunsuran ng Lucena.

Sa huli ay nanawagan rin si Mam Palillo sa lahat ng mga coordinators, organizers at mga empleyado ng City General Services, particular na ang mga garbage collectors, street sweepers, at sa tanggapan ng City Public Market na hindi pa nababakunahan na magtungo sa lugar kung saan isinasagawa ang Olan Bakuna upang mabakunahan ang mga ito laban sa sakit na trangkaso. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon