Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Sanitary landfill ng lungsod, pinagaganda ng mga na sa City Agriculturist Office

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga Lucenahin at maging sa mga bibisita sa sanitary landfill ng lungsod, ...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga Lucenahin at maging sa mga bibisita sa sanitary landfill ng lungsod, unti-unti na itong isinasaayos at pinagaganda ng mga tauahan ng City Agriculturist Office.

Naging katuwang rin ng naturang ahensiya sa aktibidad na ito ang mga tauhan ng City General Services Office particular na ang mga garbage collectors.

Sa isinagawang pag-uulat ng kanilang tanggapan sa regular na flag raising ceremony, inihayag ng hepe ng naturang tanggapan na si Melissa Letargo ang kanilang ginawa sa sanitary landfill ng Lucena.Ayon kay Melissa Letargo, nagsagawa na ang kanilang mga tauhan at ng CGSO dito ng pagtatanim ng mga fruit bearing trees, mga gulay at kamakailan lamang ay ang paglalagay ng mga carabao grass sa halos kalahating ektarya ng nabanggit na lugar.Bukod sa nabanggit na tauhan mula sa CAO at CGSO, nakatuwang rin ng mga ito ang ilang drug surenderees mula naman sa iba’t-ibang barangay bilang bahagi ng kanilang programa na trabaho para sa mga ito.Ito aniya ay upang maipakita sa lahat ng mga Lucenahin at maging sa mga bibisita dito ang kagandahan ng lugar at masabing isang malayong malayo ito sa iniisip ng karamihan na mabaho at maduming lugar. Pinasalamatan at binati naman ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala si City Agriculturist Letargo dahil sa ginawa ng kanilang mga tauhan sa pagtatanim at pagpapaganda ng sanitary landfill ng lungsod.

Dagdag pa ng alkalde, personal niyang nakikita ang mga pagbabago sa lugar dahilan sa ginagawa nitong pagbisita dito.Ang pagpapaganda at pagsasaayos ng sanitary landfill ng lungsod sa pagtutulungan ng City Agriculturist Office at ng Solid Waste Management Division ng City General Services Office, ay upang ipakita sa lahat ng mga Lucenahin na ang tapunan ng basura ngayon ay malayong malayo na sa dating imahe nito na tambak na basura, mabaho at maduming lugar. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon