Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

City Treasurer’s Office, maayos na natutugunan ang mga tungkulin sa Pamahalaang Panlungsod

LUCENA CITY- Tinitiyak ng City Treasurer’s Office (CTO) sa pamumuno ni Ruby Aranilla na ang bawat empleyado ng naturang tanggapan ay mayos ...

LUCENA CITY- Tinitiyak ng City Treasurer’s Office (CTO) sa pamumuno ni Ruby Aranilla na ang bawat empleyado ng naturang tanggapan ay mayos na natutugunan ang mga tungkulin at responsibilidad na naka-atang sa kanila.

Ayon sa naging pag-uulat ni Aranilla sa isinagawang flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlungsod noong Lunes ika-19 sa buwan ng Hunyo taong kasalukuyan ay kanilang binibigyang din ang pagkakaroon ng kooperasyon sa bawat kawani ng CTO upang nang sa gayon ay mabigyang solusyon ang mga suliranin at makabuo ng mga istratehiya na makatutulong sa pag-angat ng serbisyong kanilang ibinibigay.
Dagdag ng hepe ng nasabing opisina, bunsod ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga empleyadong bumubuo sa CTO ay naging positibo at maganda ang epekto ng kanilang trabaho bilang isa sa mga pangunahing tanggapan na tumutulong upang maipagkaloob ang mga programa at proyekto ng local na pamahalaan para sa mga mamamayang Lucenahin.
Ito ay pagpapatunay lamang na hindi pinababayaan ng pamunuan ng City Treasurer’s Office ang kanilang trabaho at makaaasa ang publiko maging ang local na pamahalaan na patuloy nilang pagbubutihin ang pagbibigay ng serbisyo sa mga ito. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.