Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Go Negosyo sa lungsod, binuksan na

Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang pagbubukas ng Go Negosyo sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.Ginanap...

Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang pagbubukas ng Go Negosyo sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.Ginanap ang naturang aktibidad sa bahagi ng Granja St. sa Brgy. 5 na kung saan ay dumalo rin dito si dating executive assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña at Chairman Edward Sy Bang.

Pinangunahan naman ni Msgr. Dennis Imperial ang pagmimisa at pagbabasbas sa lugar na nabanggit.Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang binati ang kapitan ng Brgy. 5 na si Edward Sy Bang sa inisyatiba nito na magkaroon ng nasabing pasilidad.Aniya isang magandang hakbang ang ginawa nito para sa mga maninidahan na kung saan ay nabigyan sila ng maayos na pwesto at hindi na kinakailangan pang makipaghabulan sa mga nanghuhuli sa kanila.

Dagdag pa ng alkalde, ang lugar na nabanggit ay mas kombinyente sa mga mamimili dahilan sa pagkakaroon nito ng mga kagamitan tulad ng mesa na siyang maaring pagkainan ng mga customers.Nagbigay rin ng pakiusap si Mayor Alcala sa mga maninindahang nakapwesto sa lugar na kung sakaling may kakilala sila na katulad nilang nagtitinda ay hikayatin ang mga ito na pumuwesto na lamang dito upang sa ganun ay nasa iisang lugar na ang tutunguhin ng mga nagnanais na makabili ng kanilang paninda. Ang Go Negosyo sa lungsod ay isang lugar na kung saan ay pinagsama-sama ang lahat ng mga nagtitinda ng street foods tulad ng kwek-kwek, fish ball, squid balls at marami pang iba, sa bahagi ng Profugo St.

Ito ay upang maging maayos at malinis na rin ang naturang kalsada at hindi na bumigat pa ang daloy ng trapiko dito gayundin ang pagtitiyak sa lahat ng mga nagnanais na bumili dito na malinis ang kanilang binebentang street foods sa anumang usok at dumi mula sa mga sasakyan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.