Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga Lucenahin, nabigyang tulong ng pamahalaang panlungsod

Tinatayang aabot sa mahigit na 300 mga Lucenahin ang nabigyan ng tulong ng pamahalaang panlungsod kamakailan. Ang tulong na ito ay ang pag...

Tinatayang aabot sa mahigit na 300 mga Lucenahin ang nabigyan ng tulong ng pamahalaang panlungsod kamakailan.

Ang tulong na ito ay ang pagkakaloob ng Members Data Record ng PhilHealth, mga ooperahan sa mata at ang pagbibigay sa mga ito ng salamin.

Ginanap ang naturang aktibidad sa hallway ng Lucena City Government Complex na kung saan ay personal itong ipinagkaloob sa kanila ni Mayor Roderick “dondon” Alcala kasama si City Health Officer Dra. Joy Chua.Nagmula pa sa iba’t-ibang mga barangay sa Lucena ang nabiyayaan ng tulong na nabanggit.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala humingi ito ng paumanhin sa ginawang paghihintay ng mga benipisyaryo ng programang ito ngunit tiniyak naman ng alkalde na ang kanilang ginawang paghihintay ay sadyang susulitin dahilan sa ipagkakaloob na sa kanila ang pangangailangan ng mga ito tulad ng operasyon sa mata.

Bakas na bakas sa ngiti ng mga nabigyan ng tulong na ito ni Mayor Alcala ang kasiyahan at kagalakan sa pagkakataong ibinigay sa kanila lalo’t higit ang mga sasailalim sa operasyon sa mata.Ang pagkakaloob sa mga ito ng tulong ay bilang bahagi ng programa ni Mayor Dondon Alcala sa sector ng kalusugan na Bagong Lucena Health Program na sadyang lubos na nakatutulong sa mga mahihirap na Lucenahin.Sa ilalim ng programang nabanggit, ang pasyenteng Lucenahin ay nakapagpapagamot sa probadong ospital, napagkakalooban ng libreng operasyon sa mata ay nabibigyan ng MDR ng Philhealth na siyang magagamit nito at ng kaniyang pamliya sa oras ng pangangailangan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.