Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Joint Signing ng Technical Description ng Municipal Waters matagumpay

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang joint signing ng technical description ng tinatawag na municipal waters ng lungsod ...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang joint signing ng technical description ng tinatawag na municipal waters ng lungsod ng Lucena, Sariaya, Pagbilao at Padre Burgos kamakailan.

Ginanap ang naturang aktibidad sa conference hall ng Lucena City Government Complex (LCGC) sa bahagi ng Barangay Kanlurang Mayao.

Personal namang dinaluhan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala ang nasabing signing kasama ang alkalde ng Sariaya at Padre Burgos na sina Marcelo Gayeta at Roger Panganiban.

Samantala bagamat hindi nakadalo si Sherrie Ann Palicpic ang kasalukuyang mayor ng Pagbilao ay ipinadala naman niya ang kanilang Vice-Mayor na si Joseph Garcia.

Kasama din ng mga nabanggit na opisyales ang miyembro ng kani-kanilang Sangguniang Bayan.

Kung matatandaan, noong Pebrero ay ginanap ang isang joint session sa pagitan ng mga miyembro ng bawat Sangguniang Bayan upang talakayin ang municipal boundaries o technical description ng municipal waters ng mga nabanggit.

Ayon sa kinatawan ng grupong Tanggol Kalikasan, ang nasabing sesyon ang nagbigay ng awtoridad upang pirmahan ng mga punong lungsod ang particular na paksang ito.

Aniya, napakaganda ng nangyari sa joint session dahil sama-samang naisaayos ang mga territorial waters ng mga nabanggit na munisipalidad.

Dagdag pa niya, mahalaga ang naturang aktibidad dahil anf dokumentong kanilang pinirmahan ang siyang magpapatibay at bubuo sa territory ng Lucena, Sariaya, Pagbilao at Padre Burgos. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon