Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Alcala dumalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa lungsod

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa iba’t-ibang panig ng bansa, dumalo rin sa nasabing pagdiriwang s...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa iba’t-ibang panig ng bansa, dumalo rin sa nasabing pagdiriwang sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.Ginanap ang naturang aktibidad sa Lucena City Government Complex na kung saan ay nakasama niya dito bilang panauhing pandangal si dating governor at ngayon ay DILG Consultant for 4P’s Project and Economic Cluster Eddie Rodriguez at Under Secretary for Administration ng DepEd Alain Del Pascua.

Kasama rin dumalo ni Mayor Dondon Alcala si Vice Mayor Philip Castillo, OIC City Administrator Mary Mitzi Co, LCCA Chairman Arween Flores, mga kapitan ng barangay, mga department heads at mga emplyado ng pamahalaang panlungsod.Sa naging pananalita ni Mayor Alcala, kaniyang pinasalamatan si DILG Consultant for 4P’s Project and Economic Cluster Eddie Rodriguez at si Under Secretary for Administration ng DepEd Alain Del Pascua sa pagbisita nito sa lungsod sa kabila ng marami nitong mga lakad.

Nagbigay tagubilin rin ang alkalde sa lahat ng mga dumalo sa nabanggit na okasyon na dapat isabuhay at ipakita ng mga ito ang pagmamahal sa ating bayan. Ang pagsasagawa ng naturang okasyon ay ang kauna-uhang isinagawa sa bagong city hall ng Lucena.

Bago pa man ipigdiwang ang nasabing aktibidad ay una munang nagsagawa ng unveiling sa monumento ni Gat. Antonio Luna sa bahagi ng Heroes Lane sa Bonifacio Drive sa bahagi ng Pleasantville Subd, Brgy. Ilayang Iyam ang mga nasabing opisyales, na kung saan ay pinangunahan ito ni Mayor Dondon Alcala, bilang pagkilala sa kabayanihan at mga nagawa nito para sa kalayaan ng ating bansa laban sa mga mananakop nito. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon