Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga public schools, pinagkalooban ng bagong sound system

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kasabay ng pamamahagi ng mga libreng gamit pang-eskwela, namigay rin ng mga bagong sound system sa ilang mga...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kasabay ng pamamahagi ng mga libreng gamit pang-eskwela, namigay rin ng mga bagong sound system sa ilang mga public schools sa lungsod si Mayor Dondon Alcala kamakailan.

Personal na ipinagkaloob ang mga bagong kagamitan na ito ni Mayor Dondon Alcala kasama si City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon at dating executive assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña.

Ilan sa mga napagkalooban nito ay ang Dalahican Elementary School Main Campus, Mayao Crossing Elementary School, Lucena City National High School- Mayao Crossing Extension, Elvira Razon Aranilla Elementary School, at East 8 Elementary School.Sa naging pananalita ni Mayor Alcala sa isinagawang pamamahaging nabanggit, sinabi nito na ang mga kagamitang ito ay malaki ang maitutulong para sa mga gagawing aktibidad ng mga napagkaloobang paaralan.Tanging hiling lamang ng alkalde sa lahat ng mga namumuno ng nabigyan nito na alagaang mabuti ang naturang sound system.

Kinabibilangan ng mga malalaking speakers, wireless microhones at mga cabinets ang naturang mga sound systems na ipinamahagi.Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga principal at guro ng mga paaralang binigyan ng kagamitang ito ni Mayor Dondon Alcala.Sa pamamagitan anila ng bagong sound system na ito, mas gaganahan na ang mga mag-aaral na dumalo sa kanilang mga aktibidad na gagawin sa kanilang paaralan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.