Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Distribusyon ng Agricultural Inputs, matagumpay

Matagumpay ang pagbabahagi ng Agricultural Inputs sa iba’t-ibang samahang pang-agrikultura sa mga bayan ng Real, General Nakar at Infan...


Matagumpay ang pagbabahagi ng Agricultural Inputs sa iba’t-ibang samahang pang-agrikultura sa mga bayan ng Real, General Nakar at Infanta, Quezon kamakailan sa pakikiisa ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) at ng Alona Partylist kaakibat ang suporta mula kina Gob. David “Jayjay”C. Suarez at Congw. Anna Marie V. Suarez.

Sa layong mapalakas ang agricultural na kapasidad ng mga baying ito, ibinahagi sa Citrus Growers Association, Vegetable Growers Association, Cacao Growers Association at mga samahan ng mangingisda ng Real, General Nakar at Infanta ang ilang organic at foliar fertilizer, seedlings, gulay, lagkitan, Coron at ilang kagamitang magagamit nila sa pagbubukid at pangingisda.

“Simula pa lamang po ito ng mga programa natin para sa inyong lahat. After a month, babalik po ako dito at makikita natin kung ano po ang pwede nating maitulong sa inyo.”ani Congw. Suarez sa pagbibigay diin kung papaano mas palalawigin pa ang sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Quezon.

Kabilang sa mga nakiisa ay ang mga Sangguniang Bayan, Municipal Agriculturist at ilang miyembro ng Alona Partylist na buong pusong nakiisa sa pagsasagawa ng distribusyon ng mga agricultural inputs.

Kasabay naman ng distribusyong ito ay ang ika -54 na taong pagkakatatag ng bayan ng Real. Si Congw. Suarez rin ang nagsilbing panauhing pnadangal sa selebrasyong ito at nagbahagi naman ng oras sa paglibot at pamimili sa mga booth.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.