Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

30 magsasaka, sumailalaim sa pagsasanay ukol sa pagpapa-unlad ng produksyon ng mangga

Candelaria, Quezon - Sumailalim kamakailan ang tatlumpong (30) magsasaka sa isinagawang pagsasanay ukol sa Technology Demonstration on Harv...

Candelaria, Quezon - Sumailalim kamakailan ang tatlumpong (30) magsasaka sa isinagawang pagsasanay ukol sa Technology Demonstration on Harvesting of Mango sa Mangarey Farm, Masalukot I, Candelaria, Quezon sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) katuwang ang Pamahalaan ng Lalawigan ng Quezon.

Layunin ng nasabing gawain ang mapaunlad ang produskyon ng mangga sa lalawigan tungo sa adhikaing matulungan ang mga magsasaka nito na magkaroon ng malawak na produksyon at mataas na kita na tutugon sa kanilang pangangailangan.

Ibinahagi ni G. Ferdinand A. Pio, Purchasing Manager ng KLT Fruits, Inc., ang mga puntos na isinasaalang-alang ng isang kumpanya sa pagkuha ng mga produksyon ng mangga gayundin ang mga oportunidad sa pagkakaroon ng merkado sa loob at labas man ng bansa pagdating sa demand nito.

Alinsunod dito ay isinagawa rin ang pagpupulong ng Quezon Mango Growers Association ukol sa pagsasaayos ng mga asosasyon sa bawat bayan gayundin ang mga plano at programang nais simulan ng mga ito.

Ipinakita rin ni G. Armando Ruel ang wastong paraan ng pag-aani ng mangga tungo sa mataas na produskyon nito.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan at opisyales mula sa iba’t-ibang Municipal Mango Growers Association ng lalawigan, kabilang ang ilan sa mga kawani mula sa OPA-Support Facilities Division. (OPA Info Unit / Quezon PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.