Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Farm Productivity Enhancement Program, patuloy na ipinatutupad sa Quezon

Sa pamamatnubay ni Gob. David C. Suarez, pinangunahan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) ang isinagawang oryentasyon ukol sa I...

Sa pamamatnubay ni Gob. David C. Suarez, pinangunahan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) ang isinagawang oryentasyon ukol sa Integrated Nutrient Management and Soil Sampling sa Pitogo Vegetable Growers Association (PVGA), kamakailan sa Brgy. Bilocao, Pitogo, Quezon.

Layunin nito na magkaroon ng karagdagang kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsusuri ng lupa para sa tamang rekomendasyon ng abono upang maging maganda at malusog ang mga halaman at makamit ang inaasahang ani ng mga magsasaka.

Ibinahagi ni G. Edilberto J. Labitigan mula sa OPA ang mga paksa ukol sa Integrated Nutrient Management at hinihikayat ang mga magsasaka na ipasuri ang kanilang lupa upang malaman ang tamang uri at dami ng abonong dapat ilagay dito, kasabay nito ay nagkaroon din ng demonstrasyon sa paraan ng pagkuha ng composite soil sample sa mga lupang sakahan.

“Sa mga nagnanais na magpasuri ng lupa ay makipag-ugnayan at bisitahin ang Soil Laboratory ng OPA na matatagpuan sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.” dagdag pa ni G. Labitigan.

Kasabay nito, isinagawa rin ang regular na buwanang pagpupulong ng samahan sa pangunguna ni G. Vic Martinez, pangulo ng samahan ng PVGA at sa pagsubaybay ni Gng. Realeza D. Salazar – SIPAG Quezon Focal Person. (OPA Info. Unit / Quezon PIO).

Sa pamamatnubay ni Gob. David C. Suarez, pinangunahan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) ang isinagawang oryentasyon ukol sa Integrated Nutrient Management and Soil Sampling sa Pitogo Vegetable Growers Association (PVGA), kamakailan sa Brgy. Bilocao, Pitogo, Quezon. Layunin nito na magkaroon ng karagdagang kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsusuri ng lupa para sa tamang rekomendasyon ng abono upang maging maganda at malusog ang mga halaman at makamit ang inaasahang ani ng mga magsasaka. Ibinahagi ni G. Edilberto J. Labitigan mula sa OPA ang mga paksa ukol sa Integrated Nutrient Management at hinihikayat ang mga magsasaka na ipasuri ang kanilang lupa upang malaman ang tamang uri at dami ng abonong dapat ilagay dito, kasabay nito ay nagkaroon din ng demonstrasyon sa paraan ng pagkuha ng composite soil sample sa mga lupang sakahan. “Sa mga nagnanais na magpasuri ng lupa ay makipag-ugnayan at bisitahin ang Soil Laboratory ng OPA na matatagpuan sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.” dagdag pa ni G. Labitigan. Kasabay nito, isinagawa rin ang regular na buwanang pagpupulong ng samahan sa pangunguna ni G. Vic Martinez, pangulo ng samahan ng PVGA at sa pagsubaybay ni Gng. Realeza D. Salazar – SIPAG Quezon Focal Person. (OPA Info. Unit / Quezon PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.