By Lolitz Estrellado July 1, 2017 Sariaya Municipal Mayor Marcelo “Marceng” Gayeta Sariaya, Quezon - “Sa simula pa lamang po...
July 1, 2017
Sariaya, Quezon - “Sa simula pa lamang po, nang mahalal tayong punong bayan ng Sariaya, itinuon ko na ang aking sarili, kasama ang aking pamilya, kung paano makapaglilingkod nang tama, kung paano tayo makakalapit sa ating mga kababayan nang parehas at pantay at hindi nagbabalatkayo.” Ito ang buong katapatang ipinahayag ni Sariaya Municipal Mayor Marcelo “Marceng” Gayeta sa isang panayam pagkatapos ng ginanap na programa noong Hunyo 12, 2017 sa pagdiriwang ng ika-119 taong Araw ng Kalayaan.
Binigyang-diin ng mabait at masipag na alkalde na kung ano siya noon, kung ano ang pagkakakilala sa kanya ng mga Sariayahin, ay ganoon pa rin siya, at ang mga ginagawa niya ay ipadama sa kanila ang katapatan ng paglilingkod, maibigay sa mga kababayan ang mga pangunahing pangangailangan at serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Sariaya.
Si Mayor Gayeta ay masugid na nagsusulong ng nasyunalismo at pagmamahal sa bayan, at siya mismo ang nagpupunta, lumalapit sa mga tao at ayon nga sa kanya, ”Nararamdaman po ang pagmamahal ng isang ama sa bayan ng Sariaya at maihatid sa kasulok-sulukang lugar at kabukiran dito sa aming bayan.”
Naniniwala rin si Mayor Gayeta na pag-asa ng bayan ang mga kabataan, kaya hinihakayat niya ang mga ito na alamin ang pinagmulan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan.
Nanawagan din ito sa kanyang mga kasamahan sa gobyerno na sana ay maglingkod din sila ng tama,
“Sa aking mga kababayan na naninilbihan sa pamahalaang bayan ng Sariaya, sana ay magtrabaho tayo sa abot ng ating makakaya, upang tayo ay makatulong sa ating mga kababayan,” dagdag na pahayag ni Mayor Gayeta.
Puspusang isinasagawa ng butihing Ama ng Bayan ng Sariaya ang kanyang mga programa at proyektong nakapaloob sa kanyang executive agenda, upang maisulong ang lubos na kaunlaran at pag-aangat sa antas ng pamumuhay.
Sa suporta at kooperasyon ng sangguniang bayan at iba pang lokal na pinuno, tinututukan ni Mayor Gayeta ang mga programa sa edukasyon, kabuhayan, kalusugan, kapayapaan at kaayusan ng bayan, kalinisan sa kapaligiran at mga proyektong pang-imprastrakstura.

Sariaya Municipal Mayor Marcelo “Marceng” Gayeta

No comments