Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Seminar patungkol professional squatters isinagawa sa lungsod

Upang maiwasan at masugpo ang mga tinatawag na professional squatters at squatting syndicates sa lungsod ay nakipag-ugnayan ang local na ...

Upang maiwasan at masugpo ang mga tinatawag na professional squatters at squatting syndicates sa lungsod ay nakipag-ugnayan ang local na pamahalaan sa pangunguna ng tanggapan ng Urban Poor Afairs Division (UPAD) na pinamumunuan ni Lerma Fajarda sa ilang mga nasyunal na ahensiya kaugnay ng nabanggit na usapin. Kaugnay nito, isinagawa ang isang seminar na laban sa naturang sector at nabanggit na sindikato noong ika-20 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Queen Margarette Hotel sa bahagi ng Brgy. Domoit.

Binubuo ng 11 nasyunal na ahensiya ang NDAPSS o National Drive Against Professional Squatters and Squatting Syndicates na kinabibilangan ng HUDCC, PNP o Philippine National Police, LRA o Land Registrationg Authority, Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Interior and Local Government (DILG), OSG o Office of the Solicitor General, Public Attorney’s Office (PAO), Department of Environment and Natural Resources (DENR), DoJ o Department of Justice at ang NAPC o National Anti-Poverty Commission.

Personal namang dumalo si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa naturang aktibidad kasama si Fajarda at ang ilang mga panauhin mula sa national government agencies na naging katuwang ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Isa si Winston Morella na kinatawan ng PCUP sa mga dumalo sa naturang aktibidad kasama sina Atty. Angelito Aguila ang Director II ng Legal Anti-Squatting and External Affairs Group, Atty. Gilbert Gordove ang tumatayong Legal Consultant ng naturang grupo, Atty. Marilou Alutaya ang Chief ng Legal Division, manager ng One-Stop Shop at kinatawan ng Land Registration Authority na si Engr. Emilio Pugungan at sina PSupt. Noel Albay na siyang hepe ng pulisya na naka-assign laban sa mga professional squatters at squatting syndicates kasama si SPO3 Frederick Millora. Dumalo din sa seminar na ito ang mga kapitan ng bawat barangay sa lungsod, mga konsehales at ilang mga hepe ng tanggapan ng local na pamahalaan. Tinalakay sa nasabing dayalogo ang ilan sa mga impormasyon at prosesong kinakailangang gawin ng mga opisyales at mga empleyado ng Pamahalaang Panlungsod sa pagsasa-ayos ng urban.

Dagdag sa naging paksa ng pagpupulong ang Republic Act No. 7279 na may titulong ‘ An Act to Provide for a Comprehensive and Continuing Urban Development and Housing Program, Establish the Mechanism for its Implementation and for other Purposes’. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.