Aabot sa tinatayang mahigit na 300 mga miyembro ng lupong tagapamayapa ng bawat barangay sa lungsod ang tumanggap ng kanilang honorarium ka...
Aabot sa tinatayang mahigit na 300 mga miyembro ng lupong tagapamayapa ng bawat barangay sa lungsod ang tumanggap ng kanilang honorarium kamakailan.
Ginanap ang pamamahagi ng nasabing honorarium na ito sa lobby ng Lucena City Government Complex na kung saan ay pinangunahan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Kasama rin ng alkalde na dumalo dito sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. at executive assistant IV Joe Colar.
Kasama rin ng alkalde na dumalo dito sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. at executive assistant IV Joe Colar.
Sa miksing programa na isinagawa dito, at sa pananalita ni Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na minabuti niyang gawin ang pamamahaging ito sa naturang lugar dahilan sa ang ilang pa sa mga barangay justices ng bawat barangay ay hindi pa nakakarating sa LCGC.
Kung kaya isang magandang pagkakataon aniya ito upang makita at malibot ng mga ito ang kagandahan ng nasabing one stop shop complex ng city government.
Isa rin sa binabalak ni Mayor Alcala para sa lahat ng mga miyembro ng lupong tagapamayapa ng bawat barangay sa lungsod ay ang pagbibigay sa mga ito ng tour sa lahat ng mga inprastrakturang naisagawa sa Lucena.
Ilan sa mga binabalak ng punong lungsod na puntahan ng mga ito ay ang bagong palengke, ang sanitary landfill at ang DonVictor Ville na isang programa na murang pabahay ng city government para sa ilang job order employess at miyembro ng JODA.
Aniya, ito ay ninanais niyang gawin sa susunod na taon na pamamahagi ng kaniloang honoraruim upang sa ganun ay makita at malaman ng mga ito ang malaking pagbabago sa lungsod ng Bagong Lucena.
Ang ipinamigay na insentibo sa mga ito ay ang para sa apat na buwan na kung saan ay sakop nito ang simula Disyembre ng nakaraang taon hanggang sa buwan ng Marso.
Ayon pa rin sa alkalde, bagamat kulang pa ng tatlong buwan ang kanilang honorarium ay ginagawan na ito ng paraan ng city government na maipamahagi na rin at hinihintay na lamang nila ang ilan pang mga kulang na papeles ng mga ito.
Ang pamamahaging ito ng honorarium sa mga lupong tagapamayapa ng bawat barangay sa lungsod ay bilang pasasalamat na rin ng pamahalaang panlungsod sa mga ginagawa ng mga ito para sa kaayusan ng kapayapaan at katahimikan sa kanilang barangay. (PIO Lucena/ R.Lim)
No comments