Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

P82M, inilaan sa pagpapa-unlad ng industriya ng kape, mangga, pinya at gulay

Lungsod ng Lucena, Quezon - May kabuuang P82 milyon ang inilaan para sa pagpapa-unlad ng industriya ng kape, mangga, pinya at gulay sa lala...

Lungsod ng Lucena, Quezon - May kabuuang P82 milyon ang inilaan para sa pagpapa-unlad ng industriya ng kape, mangga, pinya at gulay sa lalawigan ng Quezon, P70 milyon mula sa Philippine Rural Development Plan (PRDP) at P12 milyon counterpart ng probinsiya.

Sinabi ni provincial agriculturist Robert Gajo, na nais ng PRDP na magkaroon ng 5 porsyento pagtaas sa kita ng mga magsasaka, 7 porsyento dagdag sa taunang inaani na produkto at 20 porsyento pagtaas sa bilang ng mga magsasaka na may maayos na kondisyon ng pagtatanim.

Tinukoy ni Gajo ang mga bayan ng Candelaria, Pitogo, Real, General Nakar, Dolores, Guinayangan, Macalelon, San Antonio, Patnanungan, Jomalig, Infanta, Sariaya, Burdeos, San Francisco at Panukulan ang may malaking potensyal sa pagtatanim ng kape.

Ang mga bayan ng Sariaya, Candelaria, Padre Burgos, Dolores, Atimonan, Plaridel, Macalelon, San Antonio, Pagbilao, Infanta, Pitogo, San Francisco, Unisan, Alabat, Calauag, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Tagkawayan, Tayabas City at lungsod bilang taniman ng mangga.

Samantala, malaki ang potensyal ng mga bayan ng General Luna, Polillo, Macalelon, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Calauag, Burdeos, Patnanungan, Pitogo, Guinayangan, Candelaria, Panukulan, Agdangan at lungsod sa pagtatanim ng pinya.

Ang mga lugar para sa pagtatanim ng mga gulay naman ang mga bayan ng Dolores, Tiaong, Gumaca, Pagbilao, Sariaya, San Antonio, Plaridel, Burdeos, Pitogo, Candelaria, Mulanay, Tagkawayan, Padre Burgos, Unisan at Lucena na ito.

Habang ang growth areas para sa pagtatanim ng cacao ay ang Alabat, Tagkawayan, Lopez, Atimonan, Guinayangan, General Nakar, Polillo, Real, Plaridel, Perez, Lucban, Patnanungan, San Francisco, Jomalig at Burdeos.

Growth areas naman para sa pagtatanim ng saging ang mga bayan ng San Francisco, Dolores, Mauban, Buenavista, Infanta, Tagkawayan, Sampaloc, Mulanay, Burdeos, Unisan, Real, Patnanungan, Lopez at Jomalig. (Joselito M. Giron, PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.