LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nagtungo kamakailan sa lalawigan ng Quezon ang ilan sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navot...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nagtungo kamakailan sa lalawigan ng Quezon ang ilan sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas upang personal na makapanayam ang ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez ukol sa ipinagmamalaking programa ng lalawigan na Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K.
Binubuo ng mga nurse, nutritionist dietician, municipal doctor, admin staff, assistant city health officer, mga konsehal, at mga coordinator mula sa Save the Children Program ang mga kawani na nagsidalo sa nasabing pagtitipon.
Buong-puso namang tinanggap ni Gob. Suarez ang kanyang mga bisita kung saan masusi niyang tinalakay ang komposisyon at kabuuan ng programang Q1K. Aniya, mahalagang bigyang atensyon ng pamahalaan ang kalusugan ng mga ina at sanggol upang magkaroon tayo ng mas produktibo at malulusog na mamamayan sa hinaharap.
Lubos naman ang paghanga ng mga bisita mula sa Navotas sa programa. Anila, nais nila itong ipaabot sa kanilang punong-bayan nang sa gayon ay mabigyang-tugon rin sa kanilang lungsod ang ilan pa sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.
Kasalukuyang umaani ng papuri at pagkilala ang programang Q1K hindi lamang sa lalawigan ngunit pati na rin sa iba’t-ibang panig ng bansa kung saan personal itong tinututukan ng gobernador. Sa ngayon ay ipinatutupad na ang nasabing programa sa buong lalawigan ng Quezon sa tulong ng Q1K technical working group sa ilalim pa rin ng patnubay ni Gob. Suarez. (Quezon-PIO)

No comments