Dahilan sa mga magagandang accomplishment na nagawa para sa lungsod ng Bagong Lucena, pinasalamatan ni Mayor Roderick “Conon” Alcala ang he...
Dahilan sa mga magagandang accomplishment na nagawa para sa lungsod ng Bagong Lucena, pinasalamatan ni Mayor Roderick “Conon” Alcala ang hepe ng kapulisan ng lungsod.
Inihayag ng alkalde ang pasasalamat na ito sa ginanap na regular na flag raising ceremony kahapon ng umaga sa Lucena City Government Complex na kung saan ay naging host dito ang City Anti-Drug Abuse Council o CADAC.
Sa naging mensahe ni Mayor Alcala, sinabi nito na sa loob lamang aniya ng isang buwan na pagiging hepe ng kapulisan ng Lucena ni PSupt. Vicente Cabatingan ay marami na agad itong naging accomplishment.
Buong ipinahayag rin ni Mayor DOndon Alcala na sakaling may mga pangangailangan ito at ang tanggapan ng pulisya sa Lucena ay nakahanda siyang tulungan ang mga ito.
Batay sa inireport ni Col. Cabatingan, sa loob ng isang buwan ng kaniyang pagiging hepe ay nakapaglunsad sila ng mga operasyon laban sa illegal na droga na kung saan ay mahigit sa 30 mga drug pushers at user ang kanilang nadakip.
Kabilang na dito ang isa ring pulis na kanilang nahuli at kinasuhan gayundin ang isa sa pinakamatandang suspek na nasa edad 77 anyos at nahuli kamakailan lang sa Brgy.4.
Ilan pa sa naging accomplishement ng Lucena City Police ay ang pagsasagawa ng operasyon sa illegal na sugal na nakadakip sila ng 10 katao, pagkakakumpiska ng 6 na iba’t-ibang uri ng mga baril, at ang pagkakahuli ng mga grupo ng magnanakaw na sumasalakay sa mga subdivision sa lungsod.
Isa rin sa maituturing na malaking accomplishment ng kapulisan nglungsod sa pangunguna ni PSupt. Cabatingan ay ang pagkakaaresto sa isang bugaw na kung saan ay mga kabataang nasa sekundarya ang ibinibugaw nito.
Mahigit rin sa 11 mga wanted persons ang kanilang nadakip kabilang na dito ang isa sa mga miyembro ng gun for hire na may kasong Murder gayundin ang isa pa na mahigit sa 19 na taong nagtago sa Mulanay, Quezon dahilan sa kaso nitong Murder at Fraustrated Murder.
Ang mga accomplishment na nabanggit ay iilan lamang sa mga nagawa na ni Col. Cabatingan bilang hepe ng kapulisan sa lungsod at nagpasalamat naman ito sa lahat ngmga naging katuwang niya tulad na lamang ni Mayor Dondon Alcala, ang mga kapitan ng barangay lalo’t higit sa lahat ng mga Lucenahin na nakikipagtulungan sa mga kapulisan na masugpo ang mga masasamang gawain dito.
Si PSupt. Vicente Cabatingan ay unang naging hepe ng Calamba City bago pa man ito mapalipat at naupo bilang hepe ng Lucena City PNP na kung saan ay pinalitan nito si PSupt. Reynaldo Maclang. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments