Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

HULING KWARTER NA PAGPUPULONG NG LUCENA CITY COUNCIL ON DISABILITY AFFAIRS, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA


Unti-unti nang lumalakas at lumalawak ang kamalayan ng mga miyembro ng natatanging sektor.
Ito ang inilahad sa isinagawa kamakailan na huling kwarter na pagpupulong ng Lucena City Council on Disability Affairs.
Bagamat, sa pagdami ng bilang ng mga mamamayang mayroong PWD ID ay kaalinsabay ng pagdami rin ng bilang ng mga nagkakaroon ng kapansanan.
Ibig sabihin din umano nito ay ang paglawak din ng kaalaman at kamalayan ng mga mamamayang bahagi ng natatanging sektor hinggil sa mga programa at proyekto ng pamahalaan, lokal man o nasyunal para sa kanila.
Ayon sa iprinesentang datos, mula sa mahigit sa dalawang libong natatanging sektor ay mayroon na ngayong mahigit sa limang libo na napagkalooban ng PWD ID at nagiging benipisyaryo ng bawat programa ng pamahalaang panlungsod para sa kanila.
Inilahad din sa naturang meeting ang ilan sa mga programang ito kabilang na ang libreng serbisyong medikal, diskwento sa ilang bilihin sa merkado at ang pagkakaloob ng birthday cash gift.
Gayundin ang mga naisakatuparang aktibidad tulad ng Angels walk for autism, Valentine ’s Day celebration at PWD assembly.
At ang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation week katuwang ang ilang mga organisasyon na sumusuporta sa aktibidad.
Bukod dito, sa pamumuno ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, chairperson ng Committee on Social Welfare, ay nagsawa rin ng pagpaplano ng mga programang mas makakatulong pa sa mga PWDs alinsunod sa mga komitibang nakapaloob sa konseho tulad ng Committee on Education, Accessibility, Participation, Data and Evidence, Social Protection, Emergencies and Disasters, Protection and Violenece, health at Livelihood.
Sa huli ay natapos ng matagumpay ang naturang pagpupulong at inaasahan ang patuloy na pagsusulong at pagsasagawa ng mga programa at proyekto para sa mga Lucenahing kabilang sa natatanging sektor. (PIO-Lucena/M.A. Minor)



Loading...