Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Isa pang elderly ika-5 COVID case sa Batangas City

By PIO Batangas City March 28, 2020 Naitala ng City Health Office(CHO) ang ikalimang kaso ng confimed COVID-19 sa Batangas City. Siya ay...

By PIO Batangas City
March 28, 2020

Naitala ng City Health Office(CHO) ang ikalimang kaso ng confimed COVID-19 sa Batangas City. Siya ay isang 71 taong gulang na lalake walang history ng international travel, kundi nanggaling siya sa Maynila.

Nasa isang ospital sa Maynila ang pasyente.

Nagsasagawa na ang CHO ng contact tracing kaugnay nito.

Sa harap ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID- -19, ipinag utos ni Mayor Beverley Dimacuha ang mas maigting na implementasyon ng enhanced community quarantine procedures at infection control measures sa lungsod.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Malawakan ang ginagawang disinfection kung saan araw araw itong isinasagawa ng City ENRO sa mga public places kagaya ng palengke, city hall, major roads, ospital, business establishments, at mga barangay.

Nagpapatupad na rin ng mga pamamaraan para mapigilan ang virus sa mga pakengke.

Patuloy ang pagsasagawa ng information campaign ng pamahalaang lungsod partikular sa social media at mga radio interviews ukol sa COVID-19 at mga kaugnay na impormasyon para mapigilan ang pagkalat nito.

Mahigpit pa rin ang panawagan ni Mayor Dimacuha sa mga mamamayan ng lungsod na makiisa at sumunod sa community quarantine procedures at tiniyak ang tuloy-tuloy na tulong sa mga apektadong mamamayan. Hinihiling din niya ang patuoy na panalangin para sa mga healthcare workers, frontliners at lungsod ng Batangas.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.