Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Batangas City finalist sa world climate change program challenge


April 30, 2020


Napili ang Batangas City bilang finalist sa World Wide Fund (WWF) for Nature Philippines One Planet City Challenge (OPCC) 2019-2020 dahilan sa mga programa ng City ENRO sa climate change resilience.

Ang One Planet City Challenge (OPCC) ay ang centerpiece ng mga gawain ng WWF sa mga lungsod na naglalayong kilalanin ang mga lungsod na nangunguna sa transition tungo sa climate-resilient, one planet future.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Inilunsad noong 2011 bilang Earth Hour City Challenge (EHCC), ang OPCC ay isang biennial, global challenge para sa mga lungsod na magpresinta ng "ambitious, holistic, inspiring and credible plans" para sa low- carbon development, kasama ang dramatic increase sa paggamit ng "sustainable and efficient renewable energy solutions at sustainable urban transport systems ngayon at sa hinaharap.

Sa taong ito, may 250 lungsod mula sa 53 bansa ang lumahok dito.

Tanging tatlong syudad lamang sa Pilipinas ang pumasok sa ONE PLANET CITY CHALLENGE! Ito ay ang (1) Muntinlupa, (2) Sta. Rosa at (3) LUNGSOD NG BATANGAS!

Bilang OPCC finalist, nagqualify din ang Batangas City na magparticipate sa “We Love Cities” (WLC) campaign, isang public engagement platform na nag-aanyaya sa mga residente ng lungsod na iboto para sa inyong lungsod ang mga bagay na minamahal mo sa iyong lungsod at ano ang suhestiyon mo kung paano magiging mas magaling ito.

Nagsimula sa dating schedule na Apri 22-June 10, ang campaign ay isasagawa sa Setyembre dahil sa nararanasan ngayong pandemic. (PIO Batangas City)

Powered by Google



0 comments:

Post a Comment



–>