Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Pagsasanay sa pangangasiwa ng labi ng COVID-19 fatalities, isinagawa

By Mamerta De Castro
April 30, 2020


Nagsagawa ang Batangas PDRRMO at Provincial DOH ng isang pagsasanay para sa mga empleyado ng accredited funeral parlors ukol sa tamang pangangasiwa ng labi ng isang pasyenteng namatay dahilan sa COVID-19. (Larawan mula sa Batangas PIO)



LUNGSOD NG BATANGAS - Magkatuwang na nagsanay ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Batangas Provincial Department of Health Office (PDOHO) ukol sa tamang pangangasiwa ng labi ng isang pasyenteng namatay dahil sa COVID-19 sa PDRRMO Emergency Opertions Center, Brgy. Bolbok sa lungsod na ito noong ika-24 ng Abril.

May 17 accredited personnel ng isang funeral service provider na may ilang sangay sa lalawigan ng Batangas ang dumalo sa naturang pagsasanay na sang-ayon sa Department of the Interior and Local Government Memorandum 2020-063 at Joint Memorandum ng DOH at DILG Suppletory Guidelines.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang pagsasanay ay bahagi ng pagbibigay ng pamahalaang panlalawigan ng kapasidad upang matugunan ag Management of the Dead and Missing (MDM) cluster ng mga lokal na pamahalaan lalo na at humaharap ang lahat sa isang pandaigdigang krisis sa kalusugan.

Batay sa guidelines ang mga local government units (LGU) ang nataasang magtalaga ng naturang pasilidad at magbigay ng kasunduan sa pagitan ng LGU at Funeral Service Provider.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Naging bahagi ng pagsasanay ang pangkalahatang alituntunin tulad ng pagpapaalala na mas mainam ang pagsasagawa ng cremation at dapat ito ay maisagawa sa loob ng 12 oras pagkamatay. Maging ang paglilibing ay kinakailangang gawin ayon sa relihiyon o kaugalian ng namatayan.

Binigyang-paalala din ang mga sumailalim sa pagsasanay na kinakailangang gawing kumpidensyal ang impormasyon tungkol sa mga crematoriums at mortuaries na kinontrata para sa cremation at paglilibing ng labi. Ang lahat ng mga tauhan na humahawak ng labi ay dapat nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPE) habang isinasagawa ang pangangasiwa sa labi ng namatay .

Kabilang din sa napagtalakayan ang paghahatid ng labi mula sa isolation area papunta sa sementeryo o crematorium, mga kinakailangan para sa cremation o libing at pagbalangkas ng mga protocols at mechanisms para sa maayos na koordinasyon sa pagitan ng local MDM clusters, DOH at ospital.

Patuloy ang isinasagawang pagsasanay para sa lahat ng accredited funeral service provider personnel ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan. Ngayong araw ay isinasagawa ang ikalawang batch ng pagsasanay. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from Batangas PIO Province)

0 comments:

Post a Comment



–>