Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

KADIWA project, malaking tulong sa panahon ng ECQ

By Bhaby De Castro
Iba't-ibang uri ng sariwang gulay ang
makikita sa KADIWA project na
nabuo sa pagtutulungan ng mg iba't ibang
kooperatiba sa Batangas upang magkaroon
ng community market sa isang lugar na
ang presyo ay abot kaya ng mamamayan.
(Photo from ARC, DA-RAFIS/Caption by
Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)
April 24, 2020



SAN JOSE, Batangas - Malaking tulong ang pagkakaroon ng KADIWA (KAtuwang sa DIwa at GaWA ) ni Ani at Kita Project ng Department of Agriculture sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Batangas.

Sinabi ni Cecille Aldueza-Virtucio, project head ng Chef Jose of San Jose Batangas Consortium of Cooperatives, na ang inisyatibo ng grupo ay layong makapagbukas ng talipapa sa pamamagitan ng community market o mobile stores ay upang maipagpatuloy ang palitan ng transaksyon sa panahon na kinakaharap ang krisis dulot ng COVID-19.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Agriculture Region IV-Calabarzon, nakapaglagay ang samahan ng kooperatiba ng dalawang marketing channels, (1) community store sa tulong ng mga kooperatiba (Coop-KADIWA) at (2) online market at delivery services na nagsasagawa ng operasyon sa Metro Manila.

Simula Abril 15, may 15 lugar ang Coop-KADIWA at nakapagserbisyo na sa may 2,500 pamilyang Batangueno simula ng ito ay mabuo noong Marso 11.

“Isang processing at packaging facility ang inilagay namin sa bayan ng San Jose upang mas maging madali para sa aming online market partners at kliyente ang pamamahagi sa aming kunsumidores," dagdag pa ni Virtucio.

Mahigit 120 toneladang sariwang produkto na ang naipamahagi ng Kadiwa katuwang ang Agro-Digital PH, Bukid Fresh, Farm2Table and Uproot Urban Farms. Sa bilang na ito, 30 tonelada ang mga gulay at prutas na naipamahagi sa presyong abot kaya simula sa unang araw ng delivery noong Marso 21.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Samantala, pinuri ni DA Regional Director Engr. Arnel De Mesa ang mga kooperatiba sa lalawigan ng Batangas sa kanilang ginagawang pakikiisa at pakikipagtulungan sa pamahalaan upang masiguro ang pagbibigay ng sapat na pagkain kasabay ng paglalagay ng tamang presyo sa mga magsasaka at kunsumidores.

Aniya, sa pamamagitan ng ganitong inisyatibo ng sektor ng agrikultura at pangisda, magiging matagumpay ang paglaban sa COVID-19.

Bukod sa bayan ng San Jose, may isinasagawa ding KADIWA project sa bayan ng San Luis kung saan iba’t-ibang sariwang bilihin ang maaaring mabili ng mga residente. Ang mga produktong ito ay locally grown at siguradong bago at sariwa. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from ARC,DA-RAFIS)

Powered by Google



0 comments:

Post a Comment



–>