April 24, 2020 Nagpasa ng mga ordinansa ang Sangguniang Panglungsod ng Batangas laban sa COVID-19, na tinaguriang Heal as One ordinances....

April 24, 2020
Nagpasa ng mga ordinansa ang Sangguniang Panglungsod ng Batangas laban sa COVID-19, na tinaguriang Heal as One ordinances.
Una dito ay ang Face Mask Ordinance na ipinasa noong April 7 kung saan inoobliga ang lahat na magsuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay at pupunta sa mga pampublikong lugar bilang proteksyon sa virus.
Inaprubahan din noong April 7 ang Anti-Discrimination Ordinance o Providing for the Protection of Health Workers and other Frontline Workers, Patients of Infectious Diseases and their Families from Discrimination, Social Stigmatization and Public Shaming, Providing Penalties therefor and for other Purposes.
Isang resolusyon din ang ipinasa na may titulong "Recognizing health workers as heroes of the Covid19 pandemic and urging the public and private sectors to ensure their coverage with physical and economic benefits granted under the law". Ito ay bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga healthworkers na patuloy sa paglilingkod sa kanilang kapwa sa kabila ng banta ng covid sa kanilang buhay.
Noong April 22 naman naipasa ang Handwashing Stations and Footbath Ordinance na sinimulan ng ipatupad ng pamahalaang lungsod.
Maging may disease outbreak o wala, magiging bahagi na ito ng sanitation measures sa mga pampubliko at pribadong lugar at establisyimento.
Alinsunod sa instruction ng pamahalaang nasyonal , nagpasa ng isang ordinance kung saan nakapaloob ang guidelines para sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Isang mahalagang resolusyon ang pagbibigay awtoridad sa City Mayor na pumasok sa isang kasunduan sa Philippine Red Cross hinggil sa covid19 laboratory testing services. (PIO Batangas City)
No comments