Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Ilan pang mga bayan sa ika-4 na distrito ng Quezon, sinuyod ng ama ng lalawigan upang ipagkaloob ang mga ayuda

By Quezon - PIO
May 1, 2020


Quezon Governor Danilo E. Suarez




QUEZON PROVINCE, PHILIPPINES - Sinuyod ng Ama ng Lalawigan ng Quezon Governor Danilo E. Suarez ang ilan pang mga bayan sa ika-apat na Distrito upang maipagkaloob ang mga ayuda para sa mga mamamayan ng bayan ng Gumaca, Lopez at Plaridel dahil sa banta ng COVID – 19 sa ating Probinsya.

Sa unang araw, ay nagtungo ang ating Gobernador sa Gumaca kung saan ay ipinamahagi sa 59 na mga Barangay ang mga relief food packs para sa mga residenteng kabilang sa naturang barangay, gayon din ay nagtungo si Governor Suarez kasia si Mayor Webster Letargo sa dalawang district hospital sa nabannggit bayan upang ihatid ang mga PPEs at alcohol para sa mga fontlline healthworkers ng mga pagamutan. Gayon din ay binisita pa rin ng ating Gobernador ang itinalagang Isolation Quarantine Area sa bayan ng Gumaca.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Habang sunod namang pinuntahan ni Governor Danilo E. Suarez ang bayan ng Lopez partikular sa barangay Hondagua kung saan siya ay sinalubong ni Mayor Rachel Ubana kasama ang samahan ng Luntiang Katipunero at PULE dito ay ibinigay ang mga relief food packs at health coupon para sa mga residente ng nabanggit na lugar. Nagtungo rin ang ating Gobernador sa Magsaysay Memorial District Hospital at ipinagkaloob ang ma PPEs at alcohol para sa mga medical health workers.

Nang sumunod na araw ay binaybay naman ni Governor Suarez ang dalawa pang barangay sa bayan ng Lopez ito ay ang Lalaguna at Calantipayan kung saan ay ipinamahagi ang mga relief food packs, health coupon at binhi ng gulay para sa mga residente sa ng naturang mga barangay.

Bago pa magtapos ang araw ay tinungo pa rin ng Ama ng Lalawigan Governor Danilo E. Suarez ang bayan ng Palridel at ipinagkaloob sa mga mamamayan nito ang relief food packs at health coupon na tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Samantala, inaasahanan naman na sa susunod pang mga araw ay maipaabot ang ayuda ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Quezonian dahil sa pagkakabilang ng ating Probinsya sa Enhanced Community Quarantine dulot ng banta ng COVID – 19.

Powered by Google



0 comments:

Post a Comment



–>