Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilan pang bayan sa unang distrito ng Quezon, hinatidan ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan

By Quezon - PIO May 1, 2020 Governor Danilo E. Suarez Hinatidan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez ...

By Quezon - PIO
May 1, 2020


Governor Danilo E. Suarez

Hinatidan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez ng ayuda ang ilan pang mga bayan sa Unang Distrito ng Probinsya ng Quezon dahil sa patuloy na implimentasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kung saan kaisa ng Ama ng ating Lalawigan sina Vice Governor Sam Nantes, Bokal Jerry Talaga at Alona Obispo sa pagtungo sa mga bayan ng Lucban, Sampaloc at Mauban upang personal na ihatid ang mga relief food packs, pananim at health coupon para sa ating mga kababayang Quezonian sa mga nabanggit na bayan.

Unang, tumulak sina Governor Suarez sa bayan ng Lucban at dito ay personal silang sinalubong ni Mayor Olivier Dator aniya isang magandang pagkakataon ito na sa ganitong panahon ay nagtutulungan ang lahat ng ahensya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Gayon din ayon naman kay Vice Governor Nantes na aniya sa ngayon ay may kanya-kanya tayong level of responsibility at sama-sama natin itong haharapin.

Sumunod namang nagpunta sina Governor Suarez sa bayan ng Sampaloc upang ipagkaloob ang mga tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan kabilang na ang mga relief food packs, mga pananim at health coupon na personal na tinanggap ni Sampaloc Mayor Noel Angel Devanadero.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon nga sa ating Gobernador ang mga health coupon na ipinamahagi ay magkakaroon ng color distinctions na kung saan ay maari itong ibili ng gamot sa ating mga Munisipyo ngunit humihingi pa ng konting panahon si Governor Suares upang ito ay agad ng maisakatuparan. Hinihintay lang aniya sa ngayon ang pagkakaroon ng kasunduan sa presyo ng mga gamot dahil ang Pamahalaang Panlalawigan na bahalang sumagot nito bilang isa sa prebilehiyo ng naturang health coupon.

Bago magtapos ang araw ay tumungo naman ang ating Goberndor sa bayan ng Mauban at nakaharap si Mayor Marita Llamas na siyang tumanggap ng mga relief food packs at health coupon para sa mga mamamayan ng kanilang bayan.

Samantala, personal namang binisita ni Governor Suarez ang mga medical frontliners sa Sampaloc Medicare Hospital at Mauban District Hospital upang ipagkaloob ang 25kl ng bigas at 1000 halaga ng grocery na bahagi ng mga benepisyo para sa mga frontliners sa ating Probinsya bukod dito ay may 25% risk allowance at raised of rates for job order nurses and medical staff.

Sa ngayon ay siniguro naman ng Pamahalaang Panlalawigan batay na rin sa mandato ni Governor Danilo E. Suarez na may nakalaang isolation facilities ang ating Probinsya para sa mga probable at suspect COVID-19 patients at ito nga ay nasa Gumaca Convention Center, Quezon Science High School at iba pang kwanrto sa Quezon Medical Center.

Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon