Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa mga mamamayan ng ika-3 distrito

By Quezon - PIO
May 1, 2020


KALIPI President Atty. Joanna Suarez at health workers sa bayan ng Unisan Medicare Community Hospital

Nagpapatuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbabahagi ng mga tulong sa mga medical health workers at mamamayan ng Probinsya ng Quezon na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kung saan nito lamang nakalipas na araw ay sa pamamagitan ni KALIPI President Atty. Joanna Suarez ay kanyang inikot ang ilan pang mga bayan sa ikatlong distrito ng Lalawigan partikular sa mga bayan ng General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Padre Burgos at Agdangan.

Una niyang tinungo ang General Luna at personal na sinalubong ni Mayor Matt Florido at ipinagkaloob ang mga bigas, food relief packs, personal protective equipment (PPEs), alcohol at health coupon.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sumunod ay binisita naman ni Atty. Suarez ang bayan ng Macalelon dala ang mga ayudang food relief packs, bigas, alcohol, health coupon at binhing pananim na personal na tinanggap ni Mayor Nelson Traje.

Habang sa pamamagitan naman ni Vice Mayor Dexter Sayat na siyang tumanggap ng mga health coupon, relief packs, bigas, PPEs, alcohol at binhing pananim na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga residente ng nabanggit na bayan.

Para naman bigyang pagkilala at pagpupugay ang mga health workers sa bayan ng Unisan ay personal na binisita ni KALIPI President Atty. Joanna Suarez ang Unisan Medicare Community Hospital at ibinahagi ang 77 sako ng mga bigas at 77 grocery packs para sa mga frontliners sa naturang pagamutan.

Bago pa man matapos ang araw ay magkasunod namang pinuntahan ni Atty. Suarez ang mga bayan ng Padre Burgos at Agdangan na sinalubong ni Padre Burgos Vice Mayor Edona Amith gayon din ay Agdangan Mayor Rhadam Aguilar naman ang tumanggap ng mga ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng bigas, food relief packs, PPEs, alcohol, health coupon at binhing pananim para sa mga mamamayan ng mga nabanggit na mga lugar.

Samantala, patuloy pa rin ang Quezon Provincial Government sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez sa mga sinasagawang pamamahagi ng mga relief packs para sa mga mamamayan ng Lalawigan, maging ang pagkakaloob ng mga ayuda para sa mga frontliners at pagsasagawa ng mga hakbang habang ang Probinsya ay nasa ilalim ng ECQ dahil sa banta ng COVID-19.

Powered by Google



0 comments:

Post a Comment



–>